Sunday, November 30, 2014

Namimiss ko na ang aking nga kaibigan
Yung bang lalabas kami ng silid aralan
Maguusap lang ng kwento tungkol sa buhay
Kung paano kami nahihirapan
Sa bawat pagsubok na aming dinadaanan
Kung gaano kahirap ang mga pagsusulit
Kung bagsak ba o pasang awa
Kakain ng kakain
Magkakape hanggang sa magising
Aabot din naman sa pagkahimbing
Sa silid aralang laging tinutulugan
Paminsan-minsa' y tinatamad
Makinig sa mga araling naituturo
Sapagkat mas maganda pang pakinggan
Ang mga kaibigang totoong buhay ang kinukwento

Tuesday, November 25, 2014

Circles

"Circles" 

Ayan yung text message ringtone ni Kenneth sakin. Nakacustom talaga yung ring tone pati yung vibration. Yung vibration sobrang haba na alerting na ewan. Pero yung ringtone hayyyy....

Una kong narinig yun nung gumagawa kami ng pathophysio ni Kenneth pero tinulugan niya ako kasi may sakit siya. Sinubukan ko siyang gisingin gamit phone niya na baka pag narinig niya na may nagtext sa kanya, magigising siya. Ang inaasahan ko, pareho lang na ringtone para sa lahat ng contacts. Pero nung yung message ko na yung lumabas, nagplay na yung "circles." Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong maramdaman. Pero ang una kong sinabi, "awwww... Sweetie" kasi sobrang nakakatunaw talaga ng puso.

Ngayon, sobrang namimiss ko si Kenneth. Kaya naman hinanap ko talaga yung ringtone niya para parehas kami. Para maramdaman ko yung sweetie feeling with Kenneth. 

Wala na akong kakulitan, kabaliw baliwan, kakwentuhan
Wala na ako nayayakap, nakikiliti, natutulak, nahahampas.
Wala ng kumukumpleto ng araw ko.
I miss my Kenneth...

Monday, November 24, 2014

Minsan hindi ko na talaga alam yung gagawin ko. Kung paano ako lulugar sa buhay na wala naman akong puwesto. Ganun na ba ako kasamang tao? Bakit ba hindi niyo ako matanggap?

Sana alam niyo po kung ano yung pakiramdam ng ginagawa niyo. Sana alam niyo kung ano yung nagiging epekto. Sana alam niyo na nasisira ang mga imahe at ugali na pinipilit kong hindi isipin sa inyo.  Sana naiisip niyo po na nagiging katakot takot kayo sa paningin ko.

Kung nahihirapan kayong tanggapin na wala na siya, ako din naman po nahihirapan na din. Nahihirapan ako makisiksik sa inyo. Sana alam niyo po yug salitang "distansya" at "tama na."

Puro kayo at kayo na lang iniisip niyo.  Di niyo man lang isipin kung tama ba yung ginagawa niyo at kung ayos pa. Tao lang naman po ako. Hindi naman ako perpekto. 

Hindi ko din naman sinabi na dapat magustuhan niyo ako. Pero sana matuto po kayong rumespeto.  Hindi naman lahat ng bagay na gusto niyo, magugustuhan din ng lahat ng tao. Sana po matuto na lang po kayong tanggapin lahat ng desisyon na nangyayari sapagkat wala naman po kayong alam sa mga pangyayari.

Wednesday, November 12, 2014

I am so lucky to have you.

Falling

I'm falling ❤️😣

Saturday, November 01, 2014

Timing

Ayon sa karamihan, ang timing o ang tamang oras ang pinakamahalagang bagay sa lahat ng pwedeng mangyari. 

Pero paano mo ba malalaman kung tama yung timing o hindi? Yung bang pag alam mong tama.. Hahayaan mo lang magpatuloy. Kung maling timing naman, iiwasan mo na kung maaari kasi alam mong wala ng patutunguhan yun. Ang hirap. Mahirap lumugar sa mga bagay-bagay. Ang hirap manghula. Ang hirap magpanggap. Ang hirap itama ang lahat.

Ang lahat ba ng nangyayari sa buhay ko ngayon panandalian lang o permanente na? Ang hirap maniwala. Ang hirap umasa. Parang mali kasi yung timing. Sana mali din ako sa mga sinabi ko. 
Muling ibalik ang dating blogger na si Angela. 

Kailangan ko ng kausap...

Madaming pwede pero... Nakakahiya magkwento.. Nakakahiya kasi baka nasasayang ko lang oras nila.. Nakakahiya kasi ang drama ko. :(

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nararamdaman ko. Ngayon na lang kasi ulit ako nasasaktan. Ang sarap sa pakiramdam na malaman mong buhay ka pero mahirap kasi nasasaktan ka nga... Ewan ko ba pero parang ang bigat talaga ng dinadala ko. Masaya ako pero kulang. Tamang drama lang sa araw ng mga patay. Sorry po.