Yung bang lalabas kami ng silid aralan
Maguusap lang ng kwento tungkol sa buhay
Kung paano kami nahihirapan
Sa bawat pagsubok na aming dinadaanan
Kung gaano kahirap ang mga pagsusulit
Kung bagsak ba o pasang awa
Kakain ng kakain
Magkakape hanggang sa magising
Aabot din naman sa pagkahimbing
Sa silid aralang laging tinutulugan
Paminsan-minsa' y tinatamad
Makinig sa mga araling naituturo
Sapagkat mas maganda pang pakinggan
Ang mga kaibigang totoong buhay ang kinukwento
No comments:
Post a Comment