Ayan yung text message ringtone ni Kenneth sakin. Nakacustom talaga yung ring tone pati yung vibration. Yung vibration sobrang haba na alerting na ewan. Pero yung ringtone hayyyy....
Una kong narinig yun nung gumagawa kami ng pathophysio ni Kenneth pero tinulugan niya ako kasi may sakit siya. Sinubukan ko siyang gisingin gamit phone niya na baka pag narinig niya na may nagtext sa kanya, magigising siya. Ang inaasahan ko, pareho lang na ringtone para sa lahat ng contacts. Pero nung yung message ko na yung lumabas, nagplay na yung "circles." Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong maramdaman. Pero ang una kong sinabi, "awwww... Sweetie" kasi sobrang nakakatunaw talaga ng puso.
Ngayon, sobrang namimiss ko si Kenneth. Kaya naman hinanap ko talaga yung ringtone niya para parehas kami. Para maramdaman ko yung sweetie feeling with Kenneth.
Wala na akong kakulitan, kabaliw baliwan, kakwentuhan
Wala na ako nayayakap, nakikiliti, natutulak, nahahampas.
Wala ng kumukumpleto ng araw ko.
I miss my Kenneth...
No comments:
Post a Comment