Sana alam niyo po kung ano yung pakiramdam ng ginagawa niyo. Sana alam niyo kung ano yung nagiging epekto. Sana alam niyo na nasisira ang mga imahe at ugali na pinipilit kong hindi isipin sa inyo. Sana naiisip niyo po na nagiging katakot takot kayo sa paningin ko.
Kung nahihirapan kayong tanggapin na wala na siya, ako din naman po nahihirapan na din. Nahihirapan ako makisiksik sa inyo. Sana alam niyo po yug salitang "distansya" at "tama na."
Puro kayo at kayo na lang iniisip niyo. Di niyo man lang isipin kung tama ba yung ginagawa niyo at kung ayos pa. Tao lang naman po ako. Hindi naman ako perpekto.
Hindi ko din naman sinabi na dapat magustuhan niyo ako. Pero sana matuto po kayong rumespeto. Hindi naman lahat ng bagay na gusto niyo, magugustuhan din ng lahat ng tao. Sana po matuto na lang po kayong tanggapin lahat ng desisyon na nangyayari sapagkat wala naman po kayong alam sa mga pangyayari.
No comments:
Post a Comment