Saturday, November 01, 2014

Timing

Ayon sa karamihan, ang timing o ang tamang oras ang pinakamahalagang bagay sa lahat ng pwedeng mangyari. 

Pero paano mo ba malalaman kung tama yung timing o hindi? Yung bang pag alam mong tama.. Hahayaan mo lang magpatuloy. Kung maling timing naman, iiwasan mo na kung maaari kasi alam mong wala ng patutunguhan yun. Ang hirap. Mahirap lumugar sa mga bagay-bagay. Ang hirap manghula. Ang hirap magpanggap. Ang hirap itama ang lahat.

Ang lahat ba ng nangyayari sa buhay ko ngayon panandalian lang o permanente na? Ang hirap maniwala. Ang hirap umasa. Parang mali kasi yung timing. Sana mali din ako sa mga sinabi ko. 

No comments:

Post a Comment