Tuesday, October 23, 2012

It's not so bad

I just miss my old life back. Dati, ito yung ideal na buhay na gusto ko ma-experience, I was wrong. Tama nga si demi lovato nung sinabi niyang kung babalik siya sa dati siyang, mas pipiliin niyang hindi na lang mapansin. Mas masarap pala maging low profile lang. Iba pala talaga kapag wala na, kapag hindi mo na kilala sarili mo.

Seriously, I am crying right now while typing words into this blog.

Mahirap. Yun lang ang masasabi ko. Masakit. Yun lang ang nararamdaman ko.

Dati rati, ako yung binubully, yung laging out of place, yung outcast sa bawat group. Meron akong friends pero pabago-bago. May tatagal ng months, weeks, days, hours. Pero diba, atleast may nakakasama ka sa pang araw-araw na buhay mo. Masarap tumawa, lalo na yung tawang wala ng bukas, yung bang pati yung iba na-aappreciate yung tawa mo. College na nga siguro talaga ako. Hindi ko matanggap eh. Kung meron man akong kaibigan, oo marami. Pero bilang lang kung sino yung tunay na laging andiyan. Masakit mang sabihin pero yung tinuring kong pinaka best friend ko, binabackstabb na ako ngayon. May sarili na silang mundo. Tiwala. Yan ang pinamadaling ibigay, yung bang hindi mo ramdam na may tiwala ka na tapos bigla kang pagtataksilan. Pag-ibig. Naransan ko ng umasa uli. Hindi ko akalaing bababa ako sa ganitong get-up. Problema problema, nasan ba ang solusyon para sayo? Ayoko na ma-feel ang inferiority, pero bakit ganun? Bumabalik.

Siguro maraming naiinggit sa buhay ko. Nakukuha ko yung mga bagay na hindi nakukuha ng iba. Sikat sa mga mata ng tao. Maraming gusto maging ikaw. Pero bakit ganun, hindi ko lubos maisip na ganito pala kapangit maging isang personalidad na inisip lang ay kung anong makakaganda, imbis na dapat ay kung ano ang makakasaya. Bago ko pasukin ang kolehiyo, sapat na ang kasiyahan ko nun. May mga kaibigan ako, maraming nagkakagusto sa akin, na-eexperience ko ang walang kwentang brokenness. Normal pa ako. Masarap ang kolehiyo nung una. Yung bang ramdam mo na ikaw lang ang may hawak ng oras mo. Naka-depende na sayo kung paano mo ito gagamitin. Nung una nasa landas pa ako, nagagawa kong magbasa sa library ng libro for 4 hours. Na-eentertain ko ang mga taong may pagtingin sa akin, maayos ang buhay. Kung titignan mo ngayon, wala eh. Sobrang layo.

Nung may nakilala akong isang lalaking akalain ko ay makabubuti sa akin, akala ko ayos na ang lahat. Ang hindi ko alam, hindi pala. Masarap sa feeling na nakikita ng iba nakasama mo siya. Iba eh. Kahit na minsan nararamdaman mong nagiging alalay ka na lang. Kumbaga, alipin ka lang niya. Lahat ng oras ko binigay ko sa kanya. Hindi na ako nag-aaral, kinalimutan ko na lahat ng mga kaibigan ko, nagawa kong magsinungaling at takasan ang aking mga magulang. Mahirap. Alam kong lahat na ng ginagawa ko mali na, pero hindi ko mapigil eh. Kahit na ilang beses kong sabihing ayoko na, bumabalik pa rin ako. Bakit ganun? Bakit kahit ilang beses kong kalimutan, eh naiisip ko pa rin? Bakit kahit na nasasaktan na ako, pinaglalaban ko pa rin?

Masakit eh. Kahit na alam mong ginagamit ka lang, parang binabalewala mo na lang. Iba kasi talaga. Kahit na gabi-gabi kang umiiyak, kahit na araw araw kang nasasaktan, kahit na parang mamamatay ka na, buo pa rin ag loob mong humakbang pa kahit na alam mong nakapaa ka lang at umaapak ka sa mga patalim. Ganun ba yun? Nagiging manhid ka na kasi nasasanay ka? PEro kung lubos mong iisipin mali ba talaga.

Bakit kaya ganun noh? Nakit kailangan may magpaasa? Bakit kailangan pang maging manhid? Bakit kailangan pang may masaktan? Sana naman kung walang nararamdaman eh sabihin na, hindi yung patuloy pa ring ginagawa. Wala namang aasa kung walang paasa.

Tatlong beses ko na siyang iniwan. Hindi kinausap, pinagmukhang tanga, pinahirapan. Eh bakit ba siya bumabalik? Babalik siya para sabihing mahalaga ang FRIENDSHIP. P*** naman. Kung may lakas lang ako ng loob magsalita eh ginawa ko na. Sana naman kahit ngayong panahon lang, kapag sinabi kong AYOKO NA, eh tumigil na ako. Sana naman kahit na hindi ko siya makita o maramdaman eh buo pa rin ako. Sana naman maramdaman niya yung mga hinagpis at sakit na binuhos ko para sa kanya.

Nagmomove on na ako. Sana naman maging maayos at tagumpay ito. Dahil alam kong worthwhile ito.

Another lesson learned. Mistakes create me as I am to be better.

No comments:

Post a Comment