Monday, October 29, 2012

Beam me up

Ngayon ko lang talaga naisip na sobrang swerte ko. Ang swerte ko sa lahat. Nakadepende lang pala talaga sa akin kung paano ako mabubuhay, wala naman talagang magfafafeel ng inferiority sayo kung hahayaan mo itong maramdaman.

Binigyan na naman ako ng pagkakataon ng Diyos. Siguro simbolo na ito na dapat magbagong buhay na ako, maging maayos na. Iibahin ko na kung sino ako. Magsusumikap na ako para sa sarili ko. Ipapakita ko sa kanila na kayo tumayo at mabuhay sa mundong ito.

Ang awkward lang kasi kanina pa ako naiinsecure kung kani-kanino, hindi dapat ganun. Kung tutuusin, mas marami pa akong dapat ikasaya kesa sa kanila, mali palang mainggit. Dapat makuntento sa kung ano ang meron at ano ang kakayahan ng sarili. Naiinis ako kasi madali akong mainggit, gusto ko na magbago. Ayoko ng mainsecure. Mali yun, dapat magtiwala lang sa sarili. Mas marami ka pang kayang gawin sa inaakala mo, hindi mo lang sinusubukan. Yun. :)

Next week, pasukan na ulit. I'm back on my game again. Magbabago na talaga ako. Iiwas na ako sa mga sagabal sa buhay ko. Ayoko na ng drama, gusto ko na ng oras para sa sarili ko. Gusto ko sa akin lag ang lahat ng oras, ayokong may ibang hahawak nito. Not again. Natuto na ako. Kaya ko 'to. Aja!

I'll be the best. I'll show them my extraordinary side. They'll regret everything. I promise they will.

Thursday, October 25, 2012

Nagtratrabaho siya habang natutulog ka.

Ang one-sided masyado, yan lang ang masasabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero it just feels wrong. Yung bang ang selfish ng dating.

As a good and true friend, sinabi ko na may nangbabackstabb sa kanya. Nagulat ako kasi ang bilis ng reply. Bakit ganun, pero kapag normal lang na conversation laging 10 minutes bago ka makareceive ng reply or even worse ay wala. Mahal na mahal siguro niya sarili niya noh? Bakit kapag tungkol sa sarili niya, eh ang bilis magreply at damang dama mo ang presence niya, pero kapag tungkol sa iba, hindi siya interesado. Masyadong narcissist, pakialam niya lang ay kung ano ang tingin ng iba sa kanya. Bakit kaya hindi niya alamin kung ano ang nararamdaman ng iba tungkol sa kanya. Kaya ang daming haters eh. Hindi ko rin naman sila masisisi kasi masyado ang love nito for once self. Maski ako nga, sobrang nahihiya na ako at ang baba na ng tingin ko sa sarili ko kapag siya na nag nagbibida ng mga bagay-bagay. Mahirap makifit-in sa buhay ng mga taong ganyan, lalo na kapag alam mong wala kang lugar. Yung bang kahit minsan naman, magpakatotoo at huwag na lang manghusga. Yan pa ang mahirap, namimili din ng makakasama, ano 'to mundo ng choices? Lahat tayo pare-parehong tao at lahat ay mahal ng Diyos, kaya wala siyang karapatan na mamili kung sino ang kakaibiganin niya.

Pero at the end of the day, ako pa rin ang laging talo. Nakinig ka na sa ma woes niya, tinulungan mo makapili, pumayag kang magpakapuyat para hindi niya ma-feel ang sadness kahit na sobrang pagod na pagod ka na. Pero ano? Tinulugan ka pa. Hindi man naisip mag sabi ng "Good night." Ayos eh. Ayos talagaa. Sabi na lang sa akin ni frank na ang bait ko daw kasi masyado kaya lagi akong talo.

Yan ang mahirap. Ang bait ko masyado.

Tuesday, October 23, 2012

Random again

Hindi ako makatulog, bakit ganun?

Marmi na namang bumabagabag sa isipan ko. Ang sarap maglabas ng thoughts lalo na kung ikaw yung taong madaldal at mabigat ang dinadala. Maraming problema, hindi na pwedeng isa isahin sa dami. Kalimutan na lang muna. At mag isip ng magandang solusyon.

Walang perpektong tao. Aaminin kong may hinanakit ako sa lahat ng tao na nakilala ko. Nasubukan ko na maglabas ng sama ng loob, pero di ko alam kung tama ba yung ginawa ko na pagkatiwalaan ang mga taong hindi ko kilala. Pero bahala na kung ano man ang nangyari, tapos na wala ng iba pang magagawa.

Maraming pagsisisi. Hindi ko na lang iniisip kung gaano kahirap. Gagaw na lang ako ng paraan kung paano ito babaguhin. Kailangan din mag move forward at mag open ng another door. Kasi araw araw naman may opportunities, hindi lang talaga napapansin. Kaya ngayon, dapat maging kuntento sa kung ano man ang meron.

Dapat maging masaya kung ano man ang mga nangyayari. Kung may hinagpis, ngiti lang at isiping magiging okay ng lahat. Hindi naman pang habang buhay ang problema. At hindi lang naman puro problema ang buhay. Masaya din naman. Masaya kasi hindi mo inaakalang malalagpasan mo ang bawat pagsubok. ITo ang nagpapatatag sa atin, ang nagpapatibay, ito ang tinatawag nilang buhay.

It's not so bad

I just miss my old life back. Dati, ito yung ideal na buhay na gusto ko ma-experience, I was wrong. Tama nga si demi lovato nung sinabi niyang kung babalik siya sa dati siyang, mas pipiliin niyang hindi na lang mapansin. Mas masarap pala maging low profile lang. Iba pala talaga kapag wala na, kapag hindi mo na kilala sarili mo.

Seriously, I am crying right now while typing words into this blog.

Mahirap. Yun lang ang masasabi ko. Masakit. Yun lang ang nararamdaman ko.

Dati rati, ako yung binubully, yung laging out of place, yung outcast sa bawat group. Meron akong friends pero pabago-bago. May tatagal ng months, weeks, days, hours. Pero diba, atleast may nakakasama ka sa pang araw-araw na buhay mo. Masarap tumawa, lalo na yung tawang wala ng bukas, yung bang pati yung iba na-aappreciate yung tawa mo. College na nga siguro talaga ako. Hindi ko matanggap eh. Kung meron man akong kaibigan, oo marami. Pero bilang lang kung sino yung tunay na laging andiyan. Masakit mang sabihin pero yung tinuring kong pinaka best friend ko, binabackstabb na ako ngayon. May sarili na silang mundo. Tiwala. Yan ang pinamadaling ibigay, yung bang hindi mo ramdam na may tiwala ka na tapos bigla kang pagtataksilan. Pag-ibig. Naransan ko ng umasa uli. Hindi ko akalaing bababa ako sa ganitong get-up. Problema problema, nasan ba ang solusyon para sayo? Ayoko na ma-feel ang inferiority, pero bakit ganun? Bumabalik.

Siguro maraming naiinggit sa buhay ko. Nakukuha ko yung mga bagay na hindi nakukuha ng iba. Sikat sa mga mata ng tao. Maraming gusto maging ikaw. Pero bakit ganun, hindi ko lubos maisip na ganito pala kapangit maging isang personalidad na inisip lang ay kung anong makakaganda, imbis na dapat ay kung ano ang makakasaya. Bago ko pasukin ang kolehiyo, sapat na ang kasiyahan ko nun. May mga kaibigan ako, maraming nagkakagusto sa akin, na-eexperience ko ang walang kwentang brokenness. Normal pa ako. Masarap ang kolehiyo nung una. Yung bang ramdam mo na ikaw lang ang may hawak ng oras mo. Naka-depende na sayo kung paano mo ito gagamitin. Nung una nasa landas pa ako, nagagawa kong magbasa sa library ng libro for 4 hours. Na-eentertain ko ang mga taong may pagtingin sa akin, maayos ang buhay. Kung titignan mo ngayon, wala eh. Sobrang layo.

Nung may nakilala akong isang lalaking akalain ko ay makabubuti sa akin, akala ko ayos na ang lahat. Ang hindi ko alam, hindi pala. Masarap sa feeling na nakikita ng iba nakasama mo siya. Iba eh. Kahit na minsan nararamdaman mong nagiging alalay ka na lang. Kumbaga, alipin ka lang niya. Lahat ng oras ko binigay ko sa kanya. Hindi na ako nag-aaral, kinalimutan ko na lahat ng mga kaibigan ko, nagawa kong magsinungaling at takasan ang aking mga magulang. Mahirap. Alam kong lahat na ng ginagawa ko mali na, pero hindi ko mapigil eh. Kahit na ilang beses kong sabihing ayoko na, bumabalik pa rin ako. Bakit ganun? Bakit kahit ilang beses kong kalimutan, eh naiisip ko pa rin? Bakit kahit na nasasaktan na ako, pinaglalaban ko pa rin?

Masakit eh. Kahit na alam mong ginagamit ka lang, parang binabalewala mo na lang. Iba kasi talaga. Kahit na gabi-gabi kang umiiyak, kahit na araw araw kang nasasaktan, kahit na parang mamamatay ka na, buo pa rin ag loob mong humakbang pa kahit na alam mong nakapaa ka lang at umaapak ka sa mga patalim. Ganun ba yun? Nagiging manhid ka na kasi nasasanay ka? PEro kung lubos mong iisipin mali ba talaga.

Bakit kaya ganun noh? Nakit kailangan may magpaasa? Bakit kailangan pang maging manhid? Bakit kailangan pang may masaktan? Sana naman kung walang nararamdaman eh sabihin na, hindi yung patuloy pa ring ginagawa. Wala namang aasa kung walang paasa.

Tatlong beses ko na siyang iniwan. Hindi kinausap, pinagmukhang tanga, pinahirapan. Eh bakit ba siya bumabalik? Babalik siya para sabihing mahalaga ang FRIENDSHIP. P*** naman. Kung may lakas lang ako ng loob magsalita eh ginawa ko na. Sana naman kahit ngayong panahon lang, kapag sinabi kong AYOKO NA, eh tumigil na ako. Sana naman kahit na hindi ko siya makita o maramdaman eh buo pa rin ako. Sana naman maramdaman niya yung mga hinagpis at sakit na binuhos ko para sa kanya.

Nagmomove on na ako. Sana naman maging maayos at tagumpay ito. Dahil alam kong worthwhile ito.

Another lesson learned. Mistakes create me as I am to be better.