Monday, October 29, 2012

Beam me up

Ngayon ko lang talaga naisip na sobrang swerte ko. Ang swerte ko sa lahat. Nakadepende lang pala talaga sa akin kung paano ako mabubuhay, wala naman talagang magfafafeel ng inferiority sayo kung hahayaan mo itong maramdaman.

Binigyan na naman ako ng pagkakataon ng Diyos. Siguro simbolo na ito na dapat magbagong buhay na ako, maging maayos na. Iibahin ko na kung sino ako. Magsusumikap na ako para sa sarili ko. Ipapakita ko sa kanila na kayo tumayo at mabuhay sa mundong ito.

Ang awkward lang kasi kanina pa ako naiinsecure kung kani-kanino, hindi dapat ganun. Kung tutuusin, mas marami pa akong dapat ikasaya kesa sa kanila, mali palang mainggit. Dapat makuntento sa kung ano ang meron at ano ang kakayahan ng sarili. Naiinis ako kasi madali akong mainggit, gusto ko na magbago. Ayoko ng mainsecure. Mali yun, dapat magtiwala lang sa sarili. Mas marami ka pang kayang gawin sa inaakala mo, hindi mo lang sinusubukan. Yun. :)

Next week, pasukan na ulit. I'm back on my game again. Magbabago na talaga ako. Iiwas na ako sa mga sagabal sa buhay ko. Ayoko na ng drama, gusto ko na ng oras para sa sarili ko. Gusto ko sa akin lag ang lahat ng oras, ayokong may ibang hahawak nito. Not again. Natuto na ako. Kaya ko 'to. Aja!

I'll be the best. I'll show them my extraordinary side. They'll regret everything. I promise they will.

No comments:

Post a Comment