Monday, April 23, 2012

Maybe, it's time to forgive. ;)

  Hindi ako makatulog. Kating-kati ako i-blog to. Good vibes ako. Hahaha!

Hi  Lovely! Wala laaang. Naisip kita bigla. :"">

  Tama. Ikaw mismo. Si Lovely. Kahit na sobrang nasaktan mo ako, kaya na kitang patawarin ngayon. Kahit na parang ginamit mo lang ako. Kahit na niloko-loko mo ako. Kahit na inaway-away mo ako. Hindi ko pa rin naman makakalimutan yung lovely na lagi kong katext, kausap sa telepono, yung ka-chat ko, ka wall to wall sa fb, ka-twitter, kasama sa kalokohan, at isa sa mga kumumpleto ng mga araw ko. Bigla lang kita naisip. Ayan tuloy, napa-stalk ako ng wala sa oras. Sorry naman. Hahaha. :) Kung si Ephraim nga napatawad ko, ikaw pa kaya? Kahit na saglit lang tayo naging magkaibigan, sobrang sumaya at chinerish ko yung maikling panahon na yun. At ngayon, handa na ulit akong humarap sa'yo. Ikaw kaya, kaya mo pa kaya akong harapin? Wala laaang. Napaisip lang ako. Kung ii-stalk mo man ako, sana mabasa mo 'to. Kaya na ulit kitang tanggapin sa buhay ko, okay lang naman siguro diba? :)

 Ayuun lang. Toodles. :*

Naiinip na ako.

Seriously, nakakabangag din maghintay at umasa.

  Kelan kaya ako magkakalovelife? Taeng yan. Excited na ako. Kahit alam kong masasaktan lang ako. Okay lang, at least kapag nasaktan ka, alam mong normal ka pa. Eh kesa yung ganito, manhid, wala man lang crush. Saklap ng buhay summer ko. Boring. Gusto ko na ulit maramdaman yung kilig. Abnormal na ako eh, matagal-tagal ko na ring hindi yun nararamdaman.


  Sa college. Sana, mahanap ko yung first boyfriend, first kiss, at yung first love ko. Ayoko na sa taong galing or may dumi na sa past ko. Gusto ko makakilala ng stranger na tatanggap sa akin kahit na hindi ganun kaganda yung past ko. Gusto ko makakilala ng taong maiintindihan ako sa bawat maling gagawin ko. Gusto ko makakilala ng mabait at mapagbigay. Gusto ko yung mamahalin ako kahit panget ako at marami pang mas maganda sa akin. Gusto ko yung makapagpapasaya sa akin at mapapasaya ko. Gusto ko yung kaya akong unawain. Gusto ko mamahalin pa rin ako kahit ako na yung pinakainaayawan ng mga tao. Gusto ko yung sasamahan ako harapin lahat ng problema ko. Gusto ko yung susuportahan ako sa lahat ng gagawin ko. Gusto ko yung may time sa akin. Gusto ko yung hindi ako ipagpapalit sa dota or kahit anong kinakaadikan. Gusto ko yung hindi magsisinungaling at open sa akin. Gusto ko yung mapagmamalaki ko sa iba hindi dahil sa kaanyuan niya, mapagmamalaki ko dahil mahal niya ako ng walang katumbas or mas malalim pa sa kahit anong bagay sa mundo. Gusto ko yung hindi sinungaling. Gusto ko yung hindi ako gagamitin. Gusto ko yung malambing. Gusto ko ako yung magiging dahilan ng mga ngiti niya. Gusto ko yung hindi ako kayang tiisin. Gusto ko yung mamahalin ako kahit na maging sino pa ako. Gusto ko yung hindi ako sasaktan.

  Alam kong impossible pa akong makakita ng ganyan. Pero umaasa ako at maghihintay kung meron mang martyr diyan para sa pag-ibig.

  Sa college, mag-iiba kaya ang buhay ko? May magbabago kaya sa akin? Sana naman maging okay ang lahat. Gusto ko lang naman ng inspirasyon. Parang kasi kulang pa rin ako ngayon. Parang broken pa rin ako. Ang hirap na eh, sobrang sakit na ng puso ko. Naiinip na ako. Nararamdaman kong parang walang nagmamahal sa akin sa dinami-dami ng tao sa mundo.

  Kilig vibes. Kailan ba kita last na naramdaman? Yung totoong kilig ha? Hindi yung feel ko lang. Siguro last 3 years pa yata. Ang hirap ng kalagayan ko. Sobra. Hirap na talaga ako. Ang weird lang ng pinagsasabi ko dito sa blog ko, pero ayun yung totoo. Parang wala na akong makitang dahilan para ngumiti. Unti-unti ng nawawala yung gana ko eh. Umaasa ako na sa college, maramdaman ulit kita kilig vibes ha. Inaasahan ko yan.

Sana matutunan ko ng magsabe ng I LOVE YOU na totoo.              

Thursday, April 19, 2012

Beaaaaaauuuuuttttyyyy.

  Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko ngayon. Inshort, wala na akong self-confidence. Nakausap ko dati si Clarizza, sinabe ko sa kanya Nung Third year ang ganda ko pa. Sinabihan niya ako ng, Ate, maganda pa rin po kayo, nagkulang lang po kayo sa confidence. Tama siya sa part na nawalan ako ng confidence. Dati, inisip ko, lahat kaya kong gawin. Wala ng impossible ngayon sa mundo eh. Pero bakit ngayon? Feeling ko ang useless ko na masyado. Ayun, kailangan ko ulit magkaCONFIDENCE.

Bzzz.Bzzz..

 

That awkward moment na kapag titingin ka sa blog ng iba, puro tungkol sa love ang sinasabe nila. Hindi ba kayo nagsasawa? Joke laaang. Ang bitter ko lang, nakakasawa na maging sweet eh. Pero ayun nga, puro love. Sana ako rin magawa kong magpost tungkol sa love. Gusto ko na ulit kiligin. Hirap teh. Nakow. Lalong lalo na kapag ayaw mong umaasa ka. Kaso kapag umibig ka, masasaktan ka din. Tae. Dami kong alam. Hahahaha! I'm completely a loveless person. Naiinggit ako sa kanila, kaso parang destiny na yata sa akin maging single. Natatakot ako, baka walang magmahal sa akin. At balang araw, makikita niyo na ako sa mga simbahan.

My First Ever Real Best Friend.

   Tangina. Miss ko na siya. Sobrang hindi ko inakalang pagsisisihan kong nawala siya sa buhay ko. Halos lahat ng first ko, nagawa ko kasama siya. Dati, halos sabay namin gawin ang lahat-lahat. Sabi niya nga, kambal daw kami eh, laking gulat ko dahil ginusto niya akong maging kaibigan inspite na isa lang akong low profile na babae na binubully sa araw-araw. Dati rati, sabay kaming, tumatawa, natutulog, gumagawa ng kalokohan at katangahan sa buhay, kumakanta, at siyempre sabay din kami nangangarap.

Siya si Ramona..

  Hindi ko alam kung paano kami pinagtagpo ng tadhana. Sobrang nagulat na lang din ako na kahit sa maikling panahon, magiging matalik ko siyang kaibigan. Kung pwede nga lang na sabihin kong siya ang first love ko eh, dahil siya ang una kong minahal na kaibigan dahil sa mainit na pagtanggap niya sa akin kahit na hindi ako perpektong tao. Ang alam ko, nagsimula talaga kay Cornelius yun. Dahil sa kadahilanan na mahilig kami sa pogi, siya ang naging karamay ko mag-stalk. Kasi parang wala naman masyadong interesado kay Cornelius katulad ng paghanga namin sa kanya. Kaya si Ramona ang naging buddy ko ng mga araw na yun. Inaamin kong nahiwalay ako sa grupo ko dahil sa kanya, pero hindi ko pinagsisihan yun. Dahil kay Ramona lang ako nagkaroon ng pag-asa at karapatan para humanga sa isang taong hindi ko naman alam na kikilalanin ako. Sobrang laughable moments kung iisipin mo man ang pinaggagawa namin para mapansin nila Cornelius. Mismong ako, hindi ko inaakalang gagawin ko yun. Pero nagulat na lang ako dahil, kahit na umalis na yung mga hinahangaan namin, patuloy pa rin na lumalim ang aming pagkakaibigan. Sa sobrang minahal ko siya, natuto akong magtiwala sa isang tao. Nakilala ko yung parents niya, at siyempre, kilala rin siya ng parents ko. Nagdadal-dalan pa kami niyan dati sa telepono. Wala lang, yun lang ang sagot namin kapag tumawag kami sa isa't isa. Naaalala ko pa dati, siya yung karamay ko sa lahat ng problema ko. Sobrang na-feel ko yung pagmamahal niya sa akin bilang best friend dahil naramdaman kong tinry niyang makifit in sa lifestyle kong panggago. Kinaibigan niya lahat ng kaibigan ko, sinamahan niya ako sa lahat ng kalokohan ko, at sa lahat, tinanggap niya ako. Hanggang first year, magkaibigan pa rin kami. Sabay pa nga kami nag CPMP eh. Naalala ko, nagparesched ako para makasabay ko siya, dahil medyo nauuna ako. Pero ayun nga, nung first year din, medyo nagkalabuan kami. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa tingin ko, dahil kay Earlvin yun. Nung-una ko lang kasi nagustuhan si earlvin para sa kanya, habang tumatagal parang hindi na ako sang-ayon sa relasyon nila sa isa't isa. Naging gago kasi si Earlvin sa classroom, sobrang ang dami kong naririnig na mga kalokohan niyang out of limits na. Concern lang naman ako kay Ramona nung mga panahong yun, dahil ayokong isang lalaki lang ang manggagago sa kanya. Ayoko siyang masaktan at umiyak, dahil ramdam ko yung bawat hinanakit at patak ng luha sa kanyang mga mata. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin, kaya nasabi ko sa kanya na medyo may kumplikasyon sa kanilang dalawa. Maski yung nanay niya ayaw kay Earlvin, na tumatawag na dito sa bahay namin para sabihing hindi siya sang-ayon sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung anong nangyare, pero bigla na lang kaming nagkatampuhan ni Ramona.  Sobra ang iniyak ko nun, dahil hindi ko akalaing umabot kami sa ganun. Hindi man niya alam kung gaano siya ka espesyal sa akin, pero sobrang tinreasure ko ang pagkakaibigan namin.

  Hindi ko akalaing natiis ko siya ng sobra. Alam mo yung ganung feeling na sobrang gusto ko siyang yakapin tuwing nagkakasalubong kami. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa amin, pero alam kong sobrang dami na ang namiss namin sa isa't isa. Ang corny ko dahil nag-eemote ako sa blog ko, alam kong dapat kong gawin ay kausapin siya. Pero alam kong wala na akong mukhang ihaharap sa kanya, sa tingin ko, nasaktan ko din naman siya ng sobra. Kaya hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako. Ang daming tanong ang nasa isip ko ngayon. Paano kaya kung nung una pa lang binabaan ko yung pride ko at nagsorry ako sa kanya? Paano kaya kung hindi na lang ako nangialam sa lovelife niya? Mapapatawad niya pa kaya ako? Namiss niya kaya ako? Kaya pa kaya niya akong tanggapin? Damnit. Ang duwag ko lang. Sobrang miss na kita Ramona. I'm very sorry kung nasaktan at na-offend kita. Huwag ka mag-alala, kahit ano pa ang gawin mong kalokohan, ganun pa rin ang tingin ko sa'yo, the bestest friend I used to have. Kahit na andame mo nang issues, wala akong pinaniwalaan kahit isa. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita. Hindi ko man masabe sayo, pero kung alam mo lang. I'm very happy at naging kayo ni France, bagay kayo eh. Sa kanya, approve talaga ako. Nasaktan ka man niya dati, pero ngayon bumabawi siya sa'yo. At alam kong mahal na mahal niyo ang isa't isa. Good Luck sa inyo ha, sana habang buhay na yan. :) Huwag na kayong maghihiwalay pa, alam kong para kayo sa isa't isa. I wish you all the best Ramona. God bless sayo. Ingat ka lagi ha, huwag mong pababayaan ang sarili mo. Huwag ka mag-alala, reregaluhan kita sa birthday mo ng patago. Oo, tama yun, pupunta ako ng Mapua para ibigay sa'yo yung regalo.

I LOVE YOU RAMONA JESSICA F. NADONG. Sana kung makita mo man 'tong blog ko para sa'yo, sana hindi ka magalit. Wala akong masamang intensyon or whatsoever para galitin ka. Sobrang miss na kita kambal. I hope someday, magkaayos na tayo. ;)

Monday, April 02, 2012

Whatever.

  Not in the mood for blogging stuff. But guess what, I still  continue typing words in my mind. My heart wants to utter words where I can set my self in a comfortable, a more free and a more original way. I've been controlling my emotions for a long time. I think, now is the right moment to release every single thought I've been thinking and every single emotion I've been feeling. I don't care if anyone would read this, but I guess there would be none.

  I wanna cry, so hard. I don't know what to do. I've been feeling things I don't wanna feel. I may sound like a spoiled brat but believe me, I'm trying my hardest to stay positive in order to live. Everyday, I've been hating the persons I'm meeting. I don't know who to trust anymore. Here we go again, I've been repeating words I already said before. Been learning things in a different way. I don't know how to live anymore. I wish I could share things here, but I can't. Nothing will happen if I'll do that, I'll just waste my couple of hours crying and typing words I would regret for a long time.

  Crap. It's just that, I'm not contented with my life anymore. I wanna skip everything but I know I can't. I wanna stop everything and just for once feel the happiness and contentment of my fragile heart. I'm still searching for my happiness, I am still confused of what will I do in the future, and of what will happen to me. I just wish that everyone could accept me as I am. And I wish they could expect less.