Kelan kaya ako magkakalovelife? Taeng yan. Excited na ako. Kahit alam kong masasaktan lang ako. Okay lang, at least kapag nasaktan ka, alam mong normal ka pa. Eh kesa yung ganito, manhid, wala man lang crush. Saklap ng buhay summer ko. Boring. Gusto ko na ulit maramdaman yung kilig. Abnormal na ako eh, matagal-tagal ko na ring hindi yun nararamdaman.

Sa college. Sana, mahanap ko yung first boyfriend, first kiss, at yung first love ko. Ayoko na sa taong galing or may dumi na sa past ko. Gusto ko makakilala ng stranger na tatanggap sa akin kahit na hindi ganun kaganda yung past ko. Gusto ko makakilala ng taong maiintindihan ako sa bawat maling gagawin ko. Gusto ko makakilala ng mabait at mapagbigay. Gusto ko yung mamahalin ako kahit panget ako at marami pang mas maganda sa akin. Gusto ko yung makapagpapasaya sa akin at mapapasaya ko. Gusto ko yung kaya akong unawain. Gusto ko mamahalin pa rin ako kahit ako na yung pinakainaayawan ng mga tao. Gusto ko yung sasamahan ako harapin lahat ng problema ko. Gusto ko yung susuportahan ako sa lahat ng gagawin ko. Gusto ko yung may time sa akin. Gusto ko yung hindi ako ipagpapalit sa dota or kahit anong kinakaadikan. Gusto ko yung hindi magsisinungaling at open sa akin. Gusto ko yung mapagmamalaki ko sa iba hindi dahil sa kaanyuan niya, mapagmamalaki ko dahil mahal niya ako ng walang katumbas or mas malalim pa sa kahit anong bagay sa mundo. Gusto ko yung hindi sinungaling. Gusto ko yung hindi ako gagamitin. Gusto ko yung malambing. Gusto ko ako yung magiging dahilan ng mga ngiti niya. Gusto ko yung hindi ako kayang tiisin. Gusto ko yung mamahalin ako kahit na maging sino pa ako. Gusto ko yung hindi ako sasaktan.
Alam kong impossible pa akong makakita ng ganyan. Pero umaasa ako at maghihintay kung meron mang martyr diyan para sa pag-ibig.
Sa college, mag-iiba kaya ang buhay ko? May magbabago kaya sa akin? Sana naman maging okay ang lahat. Gusto ko lang naman ng inspirasyon. Parang kasi kulang pa rin ako ngayon. Parang broken pa rin ako. Ang hirap na eh, sobrang sakit na ng puso ko. Naiinip na ako. Nararamdaman kong parang walang nagmamahal sa akin sa dinami-dami ng tao sa mundo.
Kilig vibes. Kailan ba kita last na naramdaman? Yung totoong kilig ha? Hindi yung feel ko lang. Siguro last 3 years pa yata. Ang hirap ng kalagayan ko. Sobra. Hirap na talaga ako. Ang weird lang ng pinagsasabi ko dito sa blog ko, pero ayun yung totoo. Parang wala na akong makitang dahilan para ngumiti. Unti-unti ng nawawala yung gana ko eh. Umaasa ako na sa college, maramdaman ulit kita kilig vibes ha. Inaasahan ko yan.
Sana matutunan ko ng magsabe ng I LOVE YOU na totoo.
No comments:
Post a Comment