Sunday, January 01, 2012

New Year's Eve


  Okaaay. I'm still alive here. Hahahaha. I know, I should be sleeping by this time. But, no. Yep. I don't know know what I'm saying. Definitely, this would be my first blog in the year 2012. Oyeaaa.

New Year's Eve - Patikim pa lang ng 2012 :D
  I never expected things would be this great. Oo, masaya kahit na mababaw lang ang mga nangyari.

1. Ang ganda ng panaginip ko.
  Hindi naman ganun kabongga yung panaginip ko, pero natuwa lang ako. Hahaha.:)) Kasi naman si crush yung napanaginipan ko. Ayun, friends kami dun sa panaginip ko. Kaya masaya, wolo looong. Sobrang natuwa lang ako kahit na 1pm na ako nagising, eh kasi naman ang aga ko natulog eh, umaga na rin yun. Hahahaha. :D

2. Nagkaayos na kami nung dating best friend ko.
Krizelle
  Hindi naman niya siguro 'to mababasa dahil hindi naman niya alam na may blogspot ako eh. Kaya quiet ka lang ha. Secret lang 'to. Kasi ganito yan, pagka bukas ko ng FB kanina, may message ako galing sa kanya. Nakalagay "Belated Happy Birthday!! :D" Wala lang, nakakatuwa. Kasi kahit na parang di pa kami magkaayos, naalala niya pa rin yung birthday ko at binati niya ako kahit na ganun yung situation namin. Bilib nga ako sa kanya dahil nagawa niya yun, eh kasi naman ako nung birthday niya, kahit na, online ako buong magdamag, hindi ko talaga siya binabati kasi andun pa rin yung bitterness. Pero after nung chat namin kanina, ayos na lahat. Parang na-relieve ako, parang wala lang. Parang I can say, everything will be just fine. Weird ko talaga. Hahaha. Pero, I know. She's Pretty, right? :D

3. Spongebob Marathon.
  Yah. Oo, tama nabasa mo. Adik talaga ako kay Spongebob. Kaya sobrang natuwa ako dun sa 48 hours special na ginawa nung Nickelodeon. Nonstop Spongebob kasi eh. Hahaha. So whenever bored ako at wala na talagang choice na mapanuod, ililipat ko lang sa Nickelodeon at manunuod ako ng Spongebob. Since bata ako, fan na talaga ako ni Spongebob eh. Kahit na puro nonsense lang yung ginagawa niya, parang nagkakasense kapag pinapanuod ko. Siguro, magkadugo kami ni Spongebob. Hahahaha! Ayun, pero nakakatuwa lang. Kasi kahit na paulit-ulit ko nang pinapanuod yung episodes ng Spongebob, di pa rin ako nagsasawa. Isip bata talaga ako. I know. Forever Young. :D

4. A Knight's Tale
RIP Heath Ledger
  I'm so bored nung mga panahong ito. Kaya ayun, lipat ako ng lipat ng channel. Eh may magsisimulang movie sa Star Movies. Ayun yung, a knight's tale. Interesting yung title, pero yung first 5 minutes nung movie. Grabe, super booooooooring. If you know what I mean. Basta ayun, naisip ko na lang gusto ko malaman kung bakit ganyan yung title, interesting pero yung movie parang hindi. Habang tumatagal, I'm starting to like it. BIG TIME. Swear. Sobrang naexcite ako sa every scene na mangyayari. Wala lang. Nung huli, parang mas nagandahan ako sa kwento at movie kesa sa title. Hahaha. :D At ang gwapo nung bida, si William. Wala lang. Hahahahaha. Baliw na talaga ako. :)) Pero, sorry fans, dead na po siya. Sayang naman. LOL. :P

5. New Year's Celebration



 







  Kuntento na ako sa mga nangyari ngayon. Kahit na hindi kami kumpleto para i-celebrate ang bagong taon. Kuntento na din ako sa simpleng handa na parang ordinary dinner lang at sa simpleng fireworks display. Hindi naman kasi ako nag-eexpect ng sobra eh. Kaya ayos lang. :D

Happy New Year Everyone! :D Happy 2012! :))

No comments:

Post a Comment