Sunday, January 08, 2012

Headache

First week of classes = Hell Week. Kung hell week yun, what more this week?
  Okay. Napapansin ko na masyado kaming pinagmamadali ng mga teachers namin. Puro projects, homework, at quizzes. Puro cramming na lang ang nangyayari eh. Napapansin ko din na babad na ako sa pagbabasa ng mga libro. Lalong lalo na sa pagbabasa ng Greek mythology. Grabe. Super hassle lang kasi ang dami masyadong storya. Daming events, places at names. Ang hirap kaya i-memmorize nun. Wala lang, nakakaasar. Hindi man lang kami makapag pahinga. Sunugan na naman ng kilay this week. At books na naman ang magiging best friend ko para pumasa sa exams. Grhh. Ayun nga, naisingit ko lang ang pagbloblog ngayon dahil gumagawa ako ng assignment, nagreresearch, at nagbabasa ng greek myth(although tapos ko ng basahin.) Ayun, multi-tasking at sa tingin ko, di na naman ako makakatulog.

No comments:

Post a Comment