Thursday, December 22, 2011

One of the Boys

  It's pretty awkward to have a title like that on my blog. Especially, when it came from me. LOL. Just wondering about few things today. So many "What If" scenarios playing and shouting in my head. Maybe, I just need a peace of mind or whatever. But I guess, I'll about to share a thought that change my whole life into something I am today.

  Hindi naman talaga ako ganito eh. I mean, yung nakikita niyong ako, hindi naman talaga ako ganito eh. Sobrang daming pagbabago, mula sa aking sarili, hanggang sa mga taong nakapalibot sa akin. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isipan ko kung bakit gusto ko magbago. Siguro sawa na rin ako sa paulit-ulit na pagpapasensya at paulit-ulit na pag-intindi sa mga taong nakapaligid sa akin. Magsimula bata ako, I feel so uncontended, unsatisfied, alone, and most of all, I feel the pain. Emo na kung emo, pero yun talaga description na ibibigay mo sa akin kung makikita at mararamdaman mo ako dati. I'm the middle child sa aming magkakapatid. Ako si middle, si number two, si epal, si salot, si katulong, si palaging nakakalimutan. Kung OA yan para sa inyo, sa akin wala pa sa kalahati yan ng OA. Alam mo yung feeling na parang di ka kasapi sa pamilya niyo, yung parang di ka pamilya. Yung mas napapansin pa yung aso niyo kesa sa iyo. Ayun kasi nararamdaman ko eh. Palagi na lang ako kinakawawa, pero yung mga kapatid ko, pasarap lang palagi sa buhay. Sila, binibilhan ng kahit anong gusto nila. Samantalang ako, hindi eh, kaya naman, nag-iipon na lang ako para sa sarili ko, para mabili ko yung gusto kong gamit. Hindi na ako umaasa sa mga magulang ko eh, kasi alam kong kaya ko naman at di ko na kailangan ng tulong. Kasi magsimula bata ako, pinabayaan na nila ako. Magsimula bata ako, natuto na akong tumayo sa mga sarili kong paa. Hindi rin naman pwedeng palagi na lang ganun. Di pwedeng hayaan na lang, kaya dapat gumawa ng paraan kahit na mahirap.

  Bata pa lang ako, wala na akong sariling laruan. Kung meron man, pinag-ipunan ko yun or regalo sa aking ng mga tito at tita ko. Kaya ganun na lang ako kasaya kapag nakakatanggap ng regalo, kahit na yung cheap lang. Kasi isa yun sa mga hindi ko na-experience sa mga magulang ko. Palagi na lang binibilhan yung ate ko ng damit. Samantalang ako, hindi. Kaya nung bata ako, palagi kong winiwish na sana, lumaki kaagad yung ate ko para magamit ko na yung mga damit niya. Puro pinaglumaan na lang kasi palagi damit ko eh, sobrang daya talaga. Pero nasanay na ako nung bata ako. Hindi na ako nag-eexpect masyado. Inggit na kung inggit, pero yun talaga nararamdaman ko eh. Pagdating naman sa laruan, sila na lang palagi binibilhan. Yung ate ko naman, ayaw i-share sa akin yung mga barbie at teddy bear niya. Yung bunso lang yung nagsheshare sa akin. Eh lalaki yun eh, no choice ako. Edi nakikipaglaro ako sa kanya. Puro pellet gun ang laruan niya, mga toy cars, at video games. Edi nakikilaro na lang ako, para di ako masyadong  OP sa bahay. Sa mga ganyan bagay, mas magaling ako makipaglaro sa kapatid ko. Lalo na pagdating sa mga yoyo, toy cars,Yu-Gi-Oh, Counter-strike, at marami pang iba. At mas nauna akong matuto mag-bike sa aming magkakapatid, at ako lang nagturo sa sarili ko magbalance. Yung bike pa na pinagpractisan ko ay yung, nakatambak lang at puro kalawang na. Wala naman akong magagawa kasi hindi naman ako bibilhan ng bike eh sa gusto ko matuto. Kaya pinagtiisan ko yun, kahit flat yung gulong at sira sira na. Di naman gawain yan ng babae, pero ako ginagawa ko at mas masaya ako sa ganun. Kapag nasa sa school, sobrang nahihiya ako sa mga classmates ko, kasi naman, puro bratz at barbie ang pinag-uusapan nila. Eh wala naman akong ganun. Kaya yung mga boys na lang na classmates ko yung kinakausap ko. Ang awkward pa dun, may mas alam pa ako sa kanila. Pinalaki kasi akong walang nag-aalaga sa akin eh. Kung meron man, yung isa kung ate na pinsan. Kaso 3 years old lang ako nung andun siya. Wala na akong nararamdamang support magsimula paglaki ko. Kaya hindi ko alam kung paano mag-ayos. Nahihiya nga ako pumasok dati, kapag foundation day eh. Kasi yung mga classmates ko, andun yung parents nila, samantalang ako, never nagpunta kahit kailan. Kung pupunta man, andun sa mga kapatid ko yung attention. Never kong naranasan yung full support eh. Buti na lang may mga parents na inaayusan ako dati, kahit na hindi ko sila kilala. Habang inaayusan ako ng ibang parent, iba yung nararamdaman ko eh. Sobrang sakit, naiisip ko, buti pa 'tong parents ng mga classmates ko, kahit hindi ako kilala, may paki sa akin. Pero yung tunay kong parents, kahit isang beses never akong inayusan. Ayun, everytime inaayusan ako ng iba, umiiyak ako. Palagi nila akong tinatanong kung bakit, pero di ko masabi kasi nahihiya ako sa katotohanan.

  Buong childhood ko, puro memories na ayaw ko ng balikan. Nung tumungtong ako ng highschool, akala ko. Okay na ang lahat. Hindi pala. Puro drama na lang, puro sakit sa ulo at puro problema. Hindi masaya eh, puro lokohan lang eh. Akala ko okay na talaga eh, hindi pa rin pala. Puro bastos mga tao, lalo na yung mga nasa paligid ko. Kung itrato nila ako, parang hindi ako babae. Sobrang sakit lang sa part ko, parang salot kasi tingin sa akin. Parang ako na yung pinaka kadiring tao, yung ganung feeling. Sobrang sakit lang talaga, outcast ako sa classroom eh. Nobody wants to be with me, yung feeling na parang may nakakahawa kang virus, ganun nararamdaman ko dati. Isang araw, bigla na lang pumasok sa isipan kong magpakamatay, weird pakinggan pero sobrang totoo. Naglaslas ako, di ko na kasi alam gagawin ko eh. Naisip ko rin na wala na akong pakinabang sa mundo, atsaka wala rin namang makakamiss sa akin. Ewan ko ba, siguro sobrang nawalan na ako ng hope nung mga panahong iyon. Na sa sobrang gusto ko ng sumuko sa buhay, magpapakamatay na ako. Pero sa awa ng Diyos, di naman ako namatay. Magsimula nun, narealize ko na kailangan ko ng magbagong buhay, kasi binigyan pa ako ni Lord ng isa pang chance para mabuhay. Naisip ko rin na may silbi pa siguro ako kaya hindi ako hinayaang mamatay ni Lord. Sobrang thankful talaga ako mabuhay ulit. Kaya magsimula nun, nagbagong buhay na ako. Sinimulan ko ang pagbabago sa perspective ko sa mundo, yung negativity ko, binago ko, ginawa kong positive lahat. Kung dati, iniisip kong gusto kong sumikat, ngayon gusto ko mag-inspire ng tao para sila yung sumikat, parang ganun. Yung ugali ko, binago ko rin, sobrang naging kind ako to the highest level. Next thing, yung physical kong itsura. Sa tingin ko kasi, kaya di ako nilalapitan ng mga tao, kasi di akong mukhang tao. Yung 50kg ko nung second year, naging 42kg nung Third Year. Ayan ang masasabi kong, achievement para sa akin. Sobrang pinagpaguran ko mag lose ng weight. Hindi ako kumain ng 2 buwan para magbawas ng ganyan kalaki. At pagkatapos nun, nagsesearch na ako sa internet kung paano mag-ayos at nagbabasa na rin ako ng magazines kung paano maging maayos ang itsura. Ayun, nung Junior ako. Lahat ng pinagpaguran ko, super okay. Grabe, parang fairytale lang, para sa akin. Naging mas maganda buhay ko nun eh. Yung feeling na sobrang sarap talaga sa pakiramdam. Naranasan ko yung mga hindi ko nararanasan dati. Ang dami ring nagkakacrush sa akin nung third year ako. Sobrang flattered din ako kapag dumadaan ako, tapos pinag-uusapan ako ng mga seniors. Wala lang, nakakaflatter lang. Yung mga salesman din sa SM, grabe, dati hindi nila ako ini-entertain, pero nung nagbago ako, kahit di ako bibili, nakabuntot pa rin sa akin. Hahahaha! Masaya eh, first time experiences. Pero kahit na ganun, naging bitter pa rin ako, di naman maiiwasan yun eh. Yung mga nang-iwan at mga nag-ignore kasi sa akin dati, nung nagbago ako, gusto na nila akong maging kaibigan at yung iba, manliligaw ko na. Ang sakit lang talaga sa feeling dati, tapos ngayon, ang kakapal ng mukha makipagkaibigan. Ayun, kaya siguro hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend eh. Hahaha! Eh kasi bitter pa rin ako, hindi ako nag-eentertain ng manliligaw. Kahit na may isang pangyayari na grabe. Dati kasi niligawan ako ng isang studyante na taga MCS. Super sikat kasi yung taong yun, at 3years ang gap namin sa isa't isa, pero kapag school years, 2 years lang. Ayun, kahit na sobrang sikat siya, di ko pa rin siya hinayaang maging boyfriend ko. Yah, NBSB ako. And I'm proud of it. :)

Timeline ng mukha ko. :) Laugh all you want. :D

 First Year
 Second Year


Dito na ako magsimulang magbago. After nung paglalaslas ko.  I hope may nagbago sa aking itsura kahit papaano. :D


 Third Year
Fourth Year

  Pero parang ngayon, bumabalik na naman ako sa dating gawi. Nagiging loner nanaman ako, isa sa mga outcasts. Kaya ngayong 2012, magbabago na ako. Ibabalik ko yung 2010 :) Na-LSS lang ako sa song ni Katy Perry, kaya yan yung title. Kasi yung song niya na "One of the Boys", medyo close sa mga pangyayari sa buhay ko. Ayun. :)

"Pain makes people change."

No comments:

Post a Comment