Monday, December 26, 2011

Christmas Day

  Christmas. Aaminin ko, malungkot ako nung Christmas Eve, sobra. Di ko alam kung bakit eh. Napipikon ako na ewan. First of all, wala yung parents ko sa bahay. Nakakaasar lang, di ko talaga ma-feel yung pasko. Eh kasi naman. lagi na lang ako sinisigawan at pinapagalitan sa araw-araw ng Christmas break ko. Okay ka lang, ma-fefeel mo kaya kapag ganun? Pero di ko na inisip yun, naging positive na lang ako to the highest level. Pero, di na talaga kaya eh. Ayaw talaga, bakit ganun? Di ko talaga ma-feel eh. Eh kasi nung dumating na yung parents ko, nagsisisigaw na naman, kaasar lang. Parang mapapasubok nanaman ako sa debate eh. Grabe kasi makapag utos, nakakaasar talaga. Basta. Kaya ayun, pumunta na lang ako sa room ko. Nagkulong ako. Seriously, umiyak ako nun. Di ko mapost sa twitter or anything kasi ayoko naman masira yung Christmas ng iba. Naiinggit ako sa kanila, puro masasaya yung pinaglalagay nila, yung mga GM, yung mga tweets, yung mga status sa Facebook. Tapos ako, ganito. WTF. Nakakapikon talaga. Tapos, tama ba namang may magtext sa akin kung busog daw ba ako. Shet naman oh. Di ko ma-feel yung Pasko tapos ganyan pa tanong mo sa akin. May sira ba ulo mo? Grhh. Ayun, reply ko na lang, "hindi eh." Sabi niya, "bakit naman?" Sabi ko, "di uso pasko dito eh." Sabi naman niya, "dadamayan kita." Parang, enebeyen. Nagseself-pity na nga ako, makikita ko pang may makikiramay sa akin. F*ck. Ayun, bahala siya sa buhay niya diyan. Basta ako dito, umiiyak. Wala na silang paki.

Now Playing: Kelly Clarkson - Grown-up Christmas List

  Pero nung mga 15 minutes before Christmas, napaisip ako bigla. Tinanong ko sarili ko, bakit ako sad? Naisip kong ayaw ni Jesus na malungkot ako, gusto niya masaya ako. Kaya ayun, si Jesus lang yung reason ng kasiyahan ko. Kaya nung pagpatak ng 12:00 am, nagpakasaya na lang ako, tutal birthday naman ni Papa Jesus eh. :D Ayun, parang may something. Di ko ma-explain yung feeling eh, sobrang saya. Hindi dahil sa sitwasyon ko , dahil siguro, pinaramdam ni Papa Jesus yung pagmamahal niya sa akin.

  Nung umaga, yung gumising sa akin ay yung mga batang namamasko. Hindi ko alam kung maaasar ako kasi ginisng nila ako, pero hindi ko magawa eh. Kahit na naistorbo yung pagtulog ko, nagising naman akong naka-ngiti. Wala lang, ang sarap sa feeling. Ngayong December 25, kahit simple at average na araw lang, feeling ko, sobrang saya. Kahit na mag-isa lang ako ngayon, feeling ko marami pa rin akong kasama. Weird. :)) Ayun, super thankful for this day. :D

  Natuwa ako dun sa mga nagmessage sa akin sa Twitter and Facebook, sa mga text messages, sa mga post sa Facebook. Wala lang. Nakakataba ng puso. Hahaha. Sinabayan ko pa ng Christmas Song. Haaay, this is Christmas. Wala lang, sumaya ako sa ganun kaliit na bagay.

Ngayong Christmas, di ko pa rin maiwasan maging vain. Eh kasi naman, bored ako. :D Hahaha! :)))





Happy Birthday Papa Jesus! :)) Thank You po sa lahat-lahat. I will always love you forever. :D

Merry Christmas Everyone! :D

No comments:

Post a Comment