Sunday, December 18, 2011

December 16, 2011 - MCS Christmas Party

  Last Christmas Party ko na 'to sa MCS. Unexpected ang lahat ng nangyari. I can't believe talaga na yun ang katotohanan. Ewan ko ba, feeling ko normal lang ang araw na ito, pero may something different and special sa araw na ito. Let's start with my look. Ito yung first ever look ko ngayong highschool na sobrang simple. Halatang di nakapaghanda eh. Basta ayun, sobrang simple talaga. Naka Violet V-neck shirt at jeans lang ang pormahan ko. Eh dati, daming abubot at naka curl pa ang hair. Eh ngayon, simple lang ever. Parang pupunta lang ako ng mall, hindi sa party. Yung pormahan ko ngayon parang another average teen, eh dati kasi, medyo extraordinary at medyo trying hard. LOL. :)) Pero alam ko namang pangit ako, magsimula pa dati. And I'm proud of it. :D Hahaha.Pero ayun, kahit na simple lang, ayos lang. Worth it pa rin naman ang Christmas Party dahil kinabukasan na ang start of Christmas Vacation. Yipee!

  To start this, syempre may program muna bago magsimula ang Christmas Party. Pero, wala naman akong paki sa program kasi andun kami ni Shyne sa covered court, nagdadaldalan lang at nagpipicture-picture. Dahil na rin siguro yun sa boredom. Hahaha! :))
With Shyne :)
 Si Shyne yung kasama ko sa MCS buong Christmas Party eh. Ganyan lang kami, masaya kami sa mga maliliit na bagay. Oo, weird na kung weird, we don't care, basta masaya kami at wala kaming sinasaktang tao. Daldal lang namin, pasko naman eh. Hahaha! basta, dami naming picture at kung sinu-sino din ang pinicturan namin. Nilibot din namin ang buong MCS dahil sa boredom, at KJ kami dahil ayaw naming panuorin yung mga program kasi may sarili kaming mundo. :) Dahil sa kabaliwan namin, napunta kami sa stage. LOL. Baliw talaga eh. Pero ako, wala akong balak magpakita dun, nakakahiya. Dami kayang taong nanunuod, STAGE FRIGHT lang ako.(Dami kong alam. hahaha)
Ynel & Errol :)
  Pero ayun nga, dahil andun na rin kami sa stage, nakita namin yung dalawang Emcee. Galing nila, omaygass talaga. Nakakaelibs lang yung accent, alam mo yung parang di marunong mag-Filipino kung makapagsalita ng English dun sa stage. Wala lang, I'm proud of them(haha.parang nanay lang eh.) Ayun, pero rockers talaga sila eh. \m/ Ayan, non-stop chikahan kami dun. Tapos si Sir Lito, biglang dumaan, kumindat ba naman. LOL. HAHAHA. Dami kong tawa nun, as in owver owver talaga, imaginine mo ba naman noh. Hahaha. Pero astig eh, bagets si sir lito eh. Astig din yung mga nagperform sa stage kahit di ko nakita. Hahaha. :)) Congrats sa inyo. :D Ang gagaling niyong lahat. Napansin ko lang, lahat na napuri ko, sarili ko na lang hindi pa. Hahaha. :D

  Naglibot-libot pa kami ni Shyne, hanggang sa mapadpad kami sa CR at sa quadrangle. Sa quadrangle, wala rin namang paki mga tao. Hindi rin naman sila nanunuod. Hahaha. Nakaupo lang at nakatunganga. Kundi naman nakaupo, nagpipicture-picutre. Kaya nakigaya na rin kami ni Shyne. Nakakabored kasi eh. Atsaka, para may maiupload sa FB. Diba? :)
With Osbert :)
With Alyzza :)
With Jerome :)
With Jessica :)
With Jerica & Fumes :)
  Di ko mailagay lahat eh, masyado kasing madami. Baka maging photo album na ito, hindi na blog. haha. :)) Ayun nga, di ko na alam gagawin ko. haha. Puro picture na lang, eh wala pa rin namang pagbabago sa mukha ko. LOL. After the program, start na ng Christmas Party. Yey! Upo-upo na rin sa upuan. Boring sa classroom eh. Sobra. Pero nung may nagbigay na ng gifts, Omaygass! Ang saya-saya, nabuhayan ako eh. Kaso nahiya naman ako sa mga regalo ko sa kanila. Haha. :))

  Pero may isang nag regalo sa akin na nakapagpasaya at nakapag kumpleto ng araw ko. Alam mo yung ganun? Natuwa ako dun sa effort, kahit na hindi naman ganun kabongga, natuwa pa rin ako ng sobra. Ewan ko ba kung bakit, siguro kasi, nakita kong parang bukal naman yata sa kalooban niya at basta, ayun napasaya niya ako. :) Nagulat na lang ako kasi biglang tinawag ako ni T. Farah, kasi daw may nagpapatawag sa akin. LOL. Kaya ayun, pumunta ako sa labas kasama si kambal. Hahaha. Pati kasi siya na-conscious kung bakit ako tinawag sa labas eh. Yun pala, yung third year na friend ko, andun sa labas dahil may ibibigay na gift sa akin. Hahaha! Di ko naman inexpect na ganun yung gift niya sa akin, kasi sabi ko kahit ano naman tinatanggap ko. Kahit yung mura lang, basta bukal sa puso. Atsaka it's the thought that counts, diba? Ayun , super surprised talaga ako. Grabe, alam mo yung feeling na sobrang nahihiya siya sa akin. Eh mabait naman ako, diba? Hahaha. :) Ewan ko ba, feeling ko naginginig siya ng sobra eh. Bakit kaya ganun? Nung nag emcee naman siya, di naman siya nanginginig eh ang dami-daming taong nakakarinig sa kanya. Subalit sa akin, isa lang naman ako, atsaka tropa naman ako kumilos, bakit sa akin mas nahihiya? Hahaha :)) Pero astig talaga. rockers eh. \m/ Sinama pa niya yung friends niya para hindi siya kabahan, pero lalo pa yatang mas naging kabado. Haha. :D Epal pa nitong si Denny eh, kabado na nga yung tao, mas pinakaba pa niya lalo. Tama ba namang i-interview? Hahaha. Nakapasok na ako ng classroom, pero si  Denny andun pa rin sa labas, nakikipag-usap. Baliw talaga. Hahaha! :))
Odiba? Epic face. Hahaha! Pero ang saya ko talaga niyan eh. Eto pang si Shyne, pasaway. Kinukuhanan pa ako ng litrato. Para daw memories, nung naging masaya ako. Haha! Pero ayos lang, atleast masaya diba? :) Super-duper-mega-ultra flattered ako niyan. Alam mo yung feeling na parang abot-SM yung buhok mo. Hahaha! Eh kasi naman, nakaget-over na ako, panay tanong pa sila kung kanino galing, edi bumabalik ulit yung nangyari. LOL. Ang saya lang, first time ko makatanggap ng bear na galing sa lalaki ngayong High School. Atleast diba? Buti nakaexperience din ako ng ganito, ayaw ko namang gumraduate na walang exciting sa buhay Senior ko diba? Puro pasakit na lang kasi eh, buti na lang sumaya din ako ngayong December, at ngayong last Christmas Party sa MCS. Edi ako na masaya, inggit ka? Edi mainggit ka. Hahaha! LOLJK. (: Pero super-duper-ultra-mega Thank You talaga Errol. :) Super na-appreciate ko at super napasaya mo ako. You made my day. Salamat ulit. :)
  Ayan na si Pam. Isa rin siya sa mga na-conscious sa mga nangyari. Kaya ayun, naki-echos din sa akin. Hahaha! Saya namin eh, ewan ko sa kanya. Pero ayun, kita naman sa picutre diba? :)
  Syempre, kung may picture kami ni Pam, papatalo kaya si Denny? HAHAHA :)) Isang vain na tao din 'tong si denny eh. Hindi man niya aminin, pero vain siya katulad ko. :D Kaya nga kambal kami eh.
  Ayun, naggames ang Simpol. May isang game dun na nakakapikon eh. Yung dougie-showdown. Syems. Hindi ko kaya mag dougie eh. Epic fail yung dougie ko, masagwa at malamya tignan. As in, nakakaumay eh, eww. Hahahaha! Pero, totoo naman eh. Si Shyne din ganun, kaya ginawa namin, nagpaka-KJ kami. Tumakas kami ni Shyne, naglibot-libot na lang kami kesa sa mapahiya. Hahahaha! Kaasar, buong klase ba naman kasi. Kung kaya ko lang kasi talaga gagawin ko eh, kaso ang panget talaga. Ewww. :)) Bumalik na lag kami nung tapos na, nakipalakpak kami. Hahaha! Kaso, napansin nila na hindi kami nagdougie. Hahahaha! Kaya ayun, tumakas ulit kami, dun na kami sa lobby forever. Hahahaha! Kasama namin si Ynel eh. Umakyat na kami nung sa tingin namin kainan na. Epic talaga forever. :)) KJ talaga namin ni Shyne eh, kami lang yung babae na kumain sa upuan, lahat ng girls nasa flat form kumakain. Eh kasi, naman, wala ng space kaya no choice kami. Hahahaha! Epic talaga eh. :))

Geme :)
  After kumain, gift giving na. :) natuwa lang ako sa mga descriptions nila sa mga nabunot nila. Sobrang nakakatuwa eh. Hindi mo alam kung puri or whatever eh. Hahahaha! :)) Nabunot ko si Jonaline eh. Nakabunot naman sa akin ay si Geme. Astig lang eh, natuwa ako dun sa malaking paperbag ng Blue Magic. Ang sarap lang sa mata ng malaking paper bag. Ang weird ko lang. HAHAHA. :)) Pero ayun, super thank you geme! :))) Super na-appreciate ko yung malaking paperbag. Ewan ko kung bakit, lutang na naman ako. :)) Masaya lang. :D After ng gift giving, uwian na. Yehess! Gala time na. Kaso di naman ako makagala dahil dami kong bitbit(yabang. XD) Hahaha. Ayun, nagpicture-picture muna bago umuwi. Hahahaha! Para ay i-upload sa fb. Yun lang naman ang reason kung bakit nagpipicture-picture eh, para maipakita at maipa-inggit sa iba. :)

Tropang Potchi ft. Shyne
Denny & Mark

Gifts. :) Epal nung kamay. Hahahaha!
Mga natanggap ko. Hahaha! :)) Onti lang, pero ayos lang

GAY. :D
  Ayun umuwi na kasama si Jerica at Fumes pagkatapos ng Christmas Party. Binuksan na namin yung gifts. At syempre, nagdaldalan na rin kami. Ayun, daming regalo ni Jerica, nahiya naman kami ni Fumes sa mga natangggap niya. Hahaha. Ganyan talaga kapag maganda. Yung kay Fumes naman, puro ipit at mga tali sa buhok. Hahaha! Sobrang naasar si Fumes eh. :)) Ayun, after namin mag stay sa bahay, pumunta na kami ng SM Fairview, gala lang. Trip lang itech. :))) Epic fail pa ng mukha ko. Feeler talaga eh. HAHA :D Nakakahiya. Omaygass. Ang gay ko talaga forever. :)) After pumunta sa SM, sa bahay naman ni Jerica. Grabe, daming gifts ni Jenica. Ayun, kinaen ko yung malaking toblerone niya. Di ko maubos eh. Grabe, first time ko maumay sa toblerone. Hahaha! Ang laki kasi masyado nun eh. Ayun, after that, umuwi na kami ni Fumes. :))


"I’d rather live my life knowing that I’m not perfect, than spending my whole life pretending to be."

--Superman

1 comment:

  1. Hi Angela! Nice violet get up nung Christmas party nyo!

    Missed you last Saturday! I'm sure you would have enjoyed swimming, singing and hanging out with your classmates and friends.

    You have a nice blog here. Crisp and straight forward from the heart.

    May I also invite you to visit and comment in my 4 blogs starting with "Ferddie's World" at blogger.com The 3 others have links at the side bar.

    See you around my dear! God bless and take care! :]

    ReplyDelete