Tinatamad ako ngayong araw, di ko alam kung bakit. Siguro dahil Christmas Party bukas at wala pa akong any preparation for tomorrow's event. Sobrang wala talaga ako sa mood ngayon, parang yung weather nakakaantok, pero gora lang. Di na kami nag Math class eh, kasi gagamitin yung onting oras ng math for baking class, kaya ayun, party party sa math. Then, Baking Class na. Hindi naman kami magbebake kasi gagawa kami ng empanada, pero related pa rin siya sa baking. Kasi kami gagawa ng dough. Yung group ko yung last na nakagawa, dahil si Marion itech tumawag pa dahil yung vegetable flour niya, kailangan ng lahat ng group, eh na kay marion yung flour namin, so hindi kami nakasabay gumawa ng dough. Ang nakakaasar pa dun, etong si Sir Marvin, pinagalitan pa kami dahil hindi kami nakakasabay. Hindi man lang niya naisip yung kalagayan namin diba? Atsaka kung alam niya lang, di makakagawa ng dough ang simpol kung wala si marion. Wala lang, na-offend lang ako dun sa sinasabe niya kaya mahalaga talaga isipin mo ang sasabihin kesa sa salita lang ng salita. Ang akin lang naman, dapat tinanong man lang niya kami kung bakit nalelate kami sa paggawa, hindi yung magagalit siya kaagad sa amin. Hindi naman ako galit kay Sir, pero kasi dapat sa susunod, huwag ganun, kasi nasasaktan din kaming mga studyante niya.
Mahirap pala mag-knead ng dough. Grabe, dapat talaga malakas ka para perfect ang dough na magagawa mo. Pero nahirapan talaga ako sa pag-flatten ng dough. Dapat kasi, super manipis at dapat maganda yung pagkakaflatten. Eh ang hirap pa naman mag ganun, lalo na at wala pa akong sapat na lakas para gawin yun. Pero infairness, halos lahat ng nalutong empanada, ako yung nag flatten. Hahaha. Yung kinaen din ni Sir Marvin, ako may gawa nun. Oo, haha, alam kong mayabang ako. :)) May isang scene dun sa TLE lab na nakapagpasaya sa akin ng sobra, nung sinabi ni Sir na, "Yung kela heart, maganda yung pagkakagawa ng dough." Eh parang na flatter naman ako dun, kasi ako yung may gawa nung kinaen niya at paulit-ulit niyang binabanggit yun. Nakakataba lang talaga ng puso, parang yung pagod ko, biglang nawala dahil dun. Ang saya lang, umalis ako ng lab na may contentment at happiness.

Ngayon ko lang naisip, ang dami pa lang dapat gawin. Hahaha. Katulad ng mga deadlines ng notebook ngayong araw. Yung sa Values Education, yung reflection notebook ko, wala pa akong nagagawang reflection kahit isa. Yung notebook din sa Computer, kailangan ng ipacheck ngayong araw, eh di pa ako natatapos. Pero, di ko talaga akalaing matatapos ko yung dalawang yun. Yung reflection talaga, himala yun eh, kasi naman sisimulan ko yung reflection ko ng October. Watda naman diba? December na kaya. Hahaha! Pero astig talaga, strong ko lang. Nag-ayos na din ako ng locker, daming kalat eh, para next year, bagong buhay na at para di na magulo kapag kukuha ako.
 |
| Pang exchange gift sa nabunot ko |
 |
| Gift ko para sa friends |
Pumunta ako ng SM at around 6pm. Grabeh. Super broke ako eh. Wala na talaga akong pera. Nahihiya na tuloy ako ng sobra sa mga magreregalo sa akin dahil wala akong maipangreregalo sa kanila. Grhhh. Hirap pala maging poor. Sobra-sobrang pagtitipid ginawa ko, grabe, di talaga kaya eh. I'm broke. Pero may nabili pa rin ako para bukas, good luck na lang sa akin.
No comments:
Post a Comment