Sobrang daming experiences at events na nangyari ngayong week, especially this weekend. Come to think of it, field trip and retreat. Edi hilong-hilo at sukang suka na rin sa bus. Walang kasawa sawa eh. Hahaha! :)) Pero atleast, okay naman. Enjoy din kahit na ganito ang nangyayari, kasi panibagong buhay na naman after ng nangyari this week. Ewan ko lang, naapektuhan lang kasi ako eh. Hahaha. Dami ring nalaman na kababalaghan. Yung mga taong close ko, mas naging close ko pa lalo. At yung mga taong epal, naasar pa ako lalo. Hahaha. Pero di niyo na kailangan pang malaman yun, dahil di naman tungkol dun ang isheshare ko. Tungkol sa retreat ang isheshare ko sa inyo. Before and after shock. Parang ano lang eh noh? :)
November 24, 2011 - Unprepared for another day
Hindi ko na alam gagawin ko. Dami pang palanca na hindi pa nagagawa. Grrrhh... Kaya puyat nanaman. Duty ni fumes, jerica at osbert(mga bestfriends ko.) Sinulit ko nang makipag bonding sa kanila dahil last day ko na makakausap at makakasama sila this week at mamimiss ko sila ng sobra kahit na maikling panahon lang yun. Wala lang, mamimiss ko yung asaran namin sa isang araw. Hahahaha! Oo, alam kong mababaw lang yun, pero big deal sa akin yun. Pumunta kami sa 7eleven at after that, pumunta kami sa SM Fairview para bumili ng gamit para sa palanca na gagawin namin. Dumiretso ako sa bahay ng friend ko kasi may mga gagawin kaming mga bagay-bagay for tomorrow's retreat. Kaso etong bago kong best bud, tinext ako na ibibigay niya daw yung palaca na ginawa niya, kaya ayun, nagkita kami sa Jollibee lagro. Nilibre ako eh(haha.salamat! :D) Nung kumakain kame sa jollibee, dami niyang kinuwento sa akin eh. Puro inspirational stories na sa tingin ko makakatulong sa buhay ko. Idol ko talaga yun eh, may long test siya bukas, pero nagawa pa rin niyang puntahan ako at around 8pm para lang sa palanca. Salamat best bud! :)) Ayun, mga 9pm na rin kami nakauwi dahil napasarap ang kwento. Madaldal kami eh. :D Pagkadating sa bahay, kain ulet at gawa na ng palanca for my classmates.
Kaso may problema, wala akong pentel pen. Paano ko kaya ayun masusulatan? Eh wala ng mabibiling pentel pen at around 10pm diba? Kaya ayun, pumayag na lang ako makipag kulitan with Jerome. Tumawag kami kung kani-kanino at nangtrip. Hahahahaha! :) Walang sawang kasiyahan eh, party party all night long. Tapos ayun, tumawag si best bud dahil wala lang. As usual, hahahaha! Nag-uusap kami kasi wala lang, pero masaya na kami sa ganun. Yeah, we're AWESOME. \m/
November 25, 2011 - Judgement Day
Hindi ko na alam gagawin ko. Tama ba namang 8:30 ng umaga ako magigising? Eh, sabi ko sa mga classmates ko na 8 pa lang, nasa school na ako. Spell EPIC = T-O-D-A-Y Ang kinaganda pa niyan, di pa ako nagpreprepare ng things ko para sa retreat. Kaya ayun, super nagsisisigaw ako sa bahay, kung sinu-sino na ang ginagalit ko. Kasi super nagmadali na ako magprepare, nag-aalala pa ako kasi baka may makalimutan ako dahil sa pagmamadali. hahaha! :) Eh naalala ko na 12 pa lang ang nagagawan ko sa 39 na classmates kong magreretreat. Super EPIC FAIL talaga eh. Super nagmadali talaga ako at inihabol ko yung 22 na palanca, kaso hindi ko nagawa yung iba. Kasi yung mga nirush ko yung mga di ko masyado close. Kaya ayun, kung sino pa 'tong mga close ko, sila pa ang di ko nagawan ng palanca. Alam ko, oo. hahahaha! :)) Pumunta ako ng school na epic face, walang ayos ayos sa mukha, dahil gusto kong maihabol yung mga palanca. Sa awa ng Diyos, ayos naman. hahahahahaha! Chill muna ako for 10 minutes, tapos ayun labas labas din para magpicture-picture. Hahahaha! para may maiupload din sa walang kwentang facebook na yan. Puro vain moments lang eh. Ako, si Jerica, Fumes, BM12, Simple, at Harmony. :))
Salamat sa mga naglagay. Highly-appreciated ko yan. Si Sonny nga eh, 1/2crosswise lang yung palanca, pero sobrang kinatuwa ko yun dahil sa effort na ginugol niya sa pagsusulat sa papel na yun, atleast nakaalala diba? :) Kaya humabol na din kayo, gawan niyo rin ako ng palanca. HAHAHAHA! :)) Yun nga, sobrang shocking revelation lang talaga yung mga palanca na natanggap ko dahil di ko talaga expected. You know what to do ha. :))
After that, pumunta na kami sa chapel para ma-orient ng mga bagay na di namin dapat gawin. Ang nakakaasar dun, paulit-ulit na lang. Merong last week na orientation, that day before at ngayon. Eh ang orientation pa naman, nakakaantok. Kaya ayun, tulog tulog din. Hahahaha! :)) Pero nung nakita ko na yung bus, parang may naramdaman akong hilo na ewan. Hahahaha! nung mga panahon na yun, kinasusuklaman ko na yung bus. Sobra, ewan ko ba. Eh kasi naman, basta ayun. Nung nasa bus na, pinababa ba naman ako bigla, ang epic lang talaga. Eto kasing si bes may pinabibigay pala. Binigyan niya ako ng flower na gawa sa scented paper. Chos lang talaga ni bes, ilovemybes talaga, kaya nga bes diba? Hahaha! :)) Awkward part lang talaga nung nasa bus eh. Hindi ko talaga alam kung paano ko pakikitunguhan yung Dad ko, di kasi kami ganun kaclose eh. Pero sa awa ng Diyos, nakasurvive naman. Nung andun na sa Tagaytay, may naramdaman akong something. Ewan ko ba, ang drama ko lang talaga siguro. Ayun nga, parang gusto ko sabihin lahat ng gusto ko dahil alam kong yun lang yung chance ko para masabi lahat ng nararamdaman ko. Yung room namin ay sa second floor, buti di kami sa gilid(ayaw ko kasi talaga dun eh, parang malayo sa kabihasnan.) Ayun nga, sa gitna kami. hahaha. Room 220 yun, sa pagkakaalala ko. Yung sessions namin, sa Fr.Palau Hall ginanap. Awkward lang talaga kasi dun kami sa harap at katabi ko pa si Dad. Parang nung mga oras na yun, gusto ko ng magpakamatay sa sobrang kaba at epicness. Buti na lang may activity, kaya ayun, hiwalay yung parents sa child(ligtas mode ako eh.) Pangalan ng group na napuntahan ko ay, Aytona Cave. Yep, puro Fr.Palau yung topic namin nung gabing yun. Yung talambuhay niyang astig, yun lang yung pinagusapan. Nagkaroon ng game at after that, may sharing na nangyari.
Pinagdrawing kami eh. Anu daw yung communion para sa amin at anung symbol ang communion para sa amin. Napili kong i-drawing ay dove. Dahil ang communion sa akin ay unity, peace, order at harmony(lalim eh.hahaha) Yun nga, wala naman akong talent sa mga ganito kaya ayun. Hindi siya mukhang dove, mukhang manok na nakalbo.Hahahahaha! aminado naman ako dun eh, kaya ayos lang ng laitin niyo gawa ko. Atsaka yan na yung pruweba oh. Di pa ba sapat yan? Hahahaha! :) After magdrawing, isheshare mo kung bakit yun yung dinrawing mo tapos, isheshare mo din yung mga bagay-bagay na gusto mong baguhin sa school at sa bahay. Ayun, di naman ako umiyak, tawa na lang ako ng tawa sa mga mukha ng classmates kong umiiyak at sa mga epic din nilang drawing. After nun, session na naman, lahat ng groups nagshare ng na-summarize na report. Yung amin, ang epic talaga. Dahil yung napili namin na speaker ay umiiyak sa mic, ayun, tawa lang kami ng tawa. Pero kung ako lang talaga ang tatanungin, lahat ng sinasabi nung speaker namin, dinamdam ko at talagang nakakaiyak(drama eh, nakakatouch kasi eh.) Awkward na naman yung feeling ko dahil, puro sinasabi na "ang mga magulang, mahal na mahal nila ang kanilang anak." Parang nagulantang ako at ang weird talaga sa feeling eh. Sobrang di ako comfortable sa sitwasyon ko nun. Buti natapos na ang first day. One down, two to go. :))
November 26, 2011 - Anything Else
Pagkagising ko, ang lamig, as in sobra. Tapos si Dad, gising na, magjojogging daw kasi siya dun sa Tagaytay. Ang akin lang naman, bakit wala kang pinapalagpas na araw? Kahit ngayon lang, pero ayos lang sa akin yun. Nung nasa bathroom naman ako, di ko talaga mapag-desiyunan kung maliligo ba ako or whatever. Pero as usual, maliligo din pala ang bagsak ko. 7am ang oras ng pag bebreakfast at narinig ko na yung bell before 7 so bumaba na lang ako to eat. Kasabay namin dun sa table ay si Shyne at yung dad niya. Ewan ko lang, parang kasi ang tahimik dun sa table habang kumakain, di lang siguro ako sanay. After that, walang sawang session at super boring na talakayan. Ang hinihintay ko na lang nung mga oras na yun ay yung merienda. Merienda talaga eh, edi ako na ang pagkain lang ang iniisip. Pagkatapos mag merienda, walang sawang session na naman. Seriously, nakatulog talaga ako neto. At nagulat na lang ako dahil lunch na(alam na :D) Nung lunch, sabi ko sa sarili ko na kakain ako ng marami para hindi makatulog, eh kasi naman eh, nakakaantok talaga. Marami akong kinain pero para sa akin, bitin pa rin.hahaha! Dahil kung PG(Patay Gutom) ka katulad ko, pati lamesa kailangan kainin para mabusog. 2pm daw ang balik namin sa Session Hall, so lakwatsa muna sa lugar with Shyne. Dami namin napag kwentuhan, habang napunta kami dun sa may upuan dun(haha.di ko alam name eh.) Dami namin napag-usapan dahil matagal pa yung oras, kasi intended siya para gumawa kami ng letter for parents at para makapag-isip na rin ng sagot dun sa guide questions nila. Nag-usap kami ni Shyne, as in sobrang deep about sa family niya. Laking gulat ko dahil pinagkakatiwalaan niya ako at laking gulat ko rin na ganun pala story ng buhay niya. Ang masasabi ko lang, mahirap ma-involve sa mga ganung situations at di talaga siya makatarungan. Ayun, daming nakiepal dun sa lugar namin at nakipagdaldalan na lang sila sa amin. May naikwento ako sa kanila eh, yung kinuwento sa akin ni best bud, sana may natutunan din sila dun, dahil ako meron talaga. Gumawa kami ni shyne ng letter after that, wala lang yun pero di ko akalain na interested siyang gumawa ng letter para sa parents niya. Ayun nagbell ulit at punta ulit sa boring hall. Tapos sharing na ulit. Epal lang talaga nitong nanay nung isa naming classmate. haha.
Yan yung mga nagawa ko at pinagawa sa amin. Hindi mo na kailangan pang mabasa yan, medyo personal siya eh. Pero yun nga, yan yung mga isheshare mo among the group members. Nakakahiya talaga ako forever eh. Kasi nung ako na yung biglang magsheshare, napaiyak ak. Ewan ko ba, parang peke lang at scripted yung ginawa ko, di ko kasi feel eh. Ayun, pero atleast, dahil dun okay na ang lahat. hahaha! :) Ang awkward lang talaga sa akin ay yung everytime na magka-akbay yung parent at child. Wala lang, i'm not used to doing things like that sa family members ko. Merienda ulit pagkatapos nun, ewan ko ba, puro kain na lang ginagawa namin. hahahaha! :) Pero enjoy naman sa pagkain kaso tinitipid kami eh. Confession after meriienda. Puro kalokohan lang ang pinag-usapan namin ni father eh, siguro mga 30 minutes kami nag-usap. Hahahaha! Ang daldal ko lang talaga eh, sobra. At dahil sa kadaldalan ko, bestfriends na daw kami ni Fr. Alex. :) Nagmass after nung confession, at after nung mass, dinner na(Oo, puro kain na lang ginawa namin dun, simula pa lang nung pagka-apak namin sa lupa nila.) After dinner, ayaw ko na yung susunod dun. Ayun yung dialogue, sobrang ewan ko talaga eh. Kabado ako sa mangyayari, face to face conversation with your parent eh, so suko ako sa part na 'to. Ewaaaaan. Ang epic pa diyan, yan yung pinlay na song(play niyo yung video diyan sa baba, yan yun.)
November 27, 2011 - My Last Day in Wonderland
Pagkagising ko, dami kong thoughts about what happened last night. It was magical, it affected and changed me and the way I used to see everything. Kaya ayun, feeling ko anghel na ako by nature. LOL. :D Pero ayun nga, parang may freedom sa mga nangyari this few days eh. At parang it set me free, meganon? pero yan yung totoo. Wala nang ilangan ngayon, parang free na talaga. I don't know, it feels great to wake up in the morning with a smile. Hindi lang siya smile, smile na totoo at dahil masaya ka sa mga nangyayari sa buhay mo. May feeling ng contentment kahit na wala sayo ang lahat ng bagay. Parang kuntento ka na sa simpleng mga bagay at kahit kulang-kulang pa ito, parang kumpleto pa rin. Tagal ko rin natulala nung mga panahon na ito. Parang may hope talaga ako eh, yung feeling na you could start all over again. Ayun, ewan ko ba, nababaliw na ako, naka-smile lang ako sa isang sulok hanggang naisip ko na kailangan ko ng maligo. hahaha! :)) Shivers. Lamig talaga. Hahaha. Can't live with the heater. Weak type ako sa mga ganito eh. Climate shock lang siguro, init kasi dito sa Manila eh. Nung nasa bathroom na, ligo ligo rin. Tapos biglang nawala yung kuryente, edi lumamig yung tubig na pang paligo ko(epic talaga eh.) Pero kahit na walang kuryente, yung electric fan, gumagana pa rin. Epic talaga sa Tagaytay eh. Breakfast.Session.Merienda. Ayan lang ang ginawa namin. Nakita ko yung paperbag ko, naexcite tuloy ako bigla basahin yung mga palanca. Gusto ko malaman yung mga nakaalala sa akin eh(kung meron man.) After nung merienda, mass na. Isa ako sa magbabasa eh, Secong Reading ako(i know. hahaha)
With Sr. Thea :) |
Mamimiss ko 'tong lugar na 'to. Magsimula sa pagkain, climate, oras ng paggising, heater, yung mga sayaw, different activities,sharing, yung puno, upuan, dining hall, yung kwarto namin, yung bed ko na katabi lang yung bintana, yung electric fan, si father, mga sisiters, at marami pang iba. Pero ang mamimiss ko dito ay yung mga experiences na nakapagpabago sa akin. Lord, thank you so much! :)
Memories that I will cherish as long as I live. :">
Dami kong hinalungkat na mga bagay-bagay pagkauwi ko.
Syempre ang nauna ay ang mga pasalubong
Una na ang pagkain diyan. :)
Second, souvenirs I bought. :))
Para kay best bud. Butterfly siya eh. :)) |
Third and last of all, Palancas. :))
Hindi ko akalain na madami yung magbibigay sa akin. Super Thank You sa inyo. Naappreciate ko lahat ng letters. :)) 68 palancas ang nareceive ko and I'm very happy. :))
From Osbert. :) |
From Luisa. :) |
From Tart :) |
From Fumes. :) |
From Denny :) |
From Zik :) |
From Pam :) |
From Daniel :) |
Full Letter. |
From Jerica :) |
Letter |
From Jesse :) |
Palancas. Let's open :) |
Yay! hahaha! :)) |
Na-elibs ako kasi may potchi pa. :D |
Thank you to all for making this retreat a successful one. Thank you for all the prayers. Good Luck and God Bless to all of you. :))
"If you accept that you're simple, that means you're humble."
--Superman :D
... Para kay superman. thank you for being a good best pal :) and ichecherish ko lahat ng times na
ReplyDeletemagkakasama tayo n jericha :)) your'e one of the great blessings god has given me.. and look how creative and talented superman is hahaha <3
wish k lng sana bestfriends tayong tatlo forever
no jerica ? kung nakikita m lng to dba XD ~~~fumes<3
Damnit. So true. :)
ReplyDeleteBitin ako dun. Finish this.
ReplyDeletehaba ng binasa ko. natapos ko rn :D
ReplyDeleteCool.....(kinda speechless).
ReplyDelete... Ayan nandito n nman ako haha! umm.. ang ganda pala ng palanca ko s picture haha :) and sana dn tlga wg natin makalimutan ang retreat ntin kc dahil don nlabas ntin ung mga feelings ntin s classmates ntin parang ako haha... at tunkol dun s story ng bus wahahaha ang galing lng tla eh biruin m nagawan m yun ng kwento..:)) "Gratitude is one of the sweet shortcuts to finding peace of mind and happiness inside. No matter what is going on outside of us, there's always something we could be grateful for." stay happy yun lng
ReplyDelete--fumes--
hi...hayy.. haba... :) pano gumawa neto? gagawa din ako. :) for the moments na hindi dapat makalimutan. :) at kailangang ishare pra makainspire. :)) e?e? :D hahahah.. ang haba gelai. :) turuan moko neto a...
ReplyDelete-shyne. :)