Saturday, December 03, 2011

A little act of kindness

Kindness, the act of going out of your way to be nice to someone or show a person you care. When a colorful rainbow shares its colors and magic with humanity and makes everyone happy. Something apparently does not exist in this world anymore. But for me, kindness still exist everyday.

  Kahit sabihin niyo pang ang korny ng topic ng blog ko ngayon, para sa akin naaastigan ako. Wala naman akong pakialam kung tuluy-tuloy niyo pa rin itong babasahin or di niyo babasahin dahil ako'y nagbloblog lang at gusto ko lang ma-express ang thoughts ko dahil wala rin naman akong mapagsasabihan nito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nakakaexperience pa rin naman ako ng kabutihan or kilala sa tawag na, "kindness." Hindi niyo man siya maturing na kindness, pero sa akin, kindness na yun. I appreciate little things nga kasi diba? Sa sobrang babaw ko, madali lang ako pasayahin. 

  Nakasanayan ko na kasing sumakay ng bus, kasi wala lang. Kasi dati nung bata pa ako, mabilis lang ako mahilo. Kaya ganun na lang ang takot ko sumakay ng bus. Pero ngayong marunong na ako magcommute, binigyan ko ng chance ang sarili ko para ibahin ang pananaw ko sa mga bus. Yun nga, buti naman naging successful ako dun sa goal kung yun. At dahil naging successful ako, mahilig na ako sumakay ng bus. Kaya naman ngayon, may favorite akong bus, yun yung "Jayross Lucky Seven Tours." Ewan ko ba kung anong nagustuhan ko sa bus na 'to. Wala namang special dito pero parang ang lakas kasi ng dating sa akin eh. At sa bus na 'to ako feel at home(watdaXD) hahaha! pero yan yung totoo. Sobrang comfortable at cozy kasi sa loob. Kapag sumasakay ako sa Jayross, sumasaya ako, ewan ko ba weird ko lang siguro talaga.

  Yun nga, sa bus siyempre, di naman maiiwasan yung puno diba? Pero ako, di naman ako sumasakay sa puno. Kasi first of all, sayang pera, "di ka na nga nakaupo, nagbayad ka pa." Oha. san ka pa? Pero kapag sobrang nagmamadali ka na, kahit pa maleta yung dala mo, mapapasakay ka talaga sa punong bus kahit na struggle sa bitbit at dala-dala. Kasi ako, kahit na choosy ako minsan at nag-aantay talaga ako sa Jayross. Kapag nagmamadali na, sumasakay na ako sa kung anu-anong bus. Malas ko lang talaga minsan kapag wala ng upuan at nakatayo na lahat ng tao at kasama pa ako dun. Buti na lang may mga tao pang tinaguriang "GENTLEMAN." Oo, sila. :D Ino-offer nila yung seat nila sayo dahil babae ka at nahihirapan kang tumayo. Dami ko nang experience na ganyan eh. Ngayon ko lang naisip i-blog. hahaha. Pero kasi, sobrang kailangan na sila sa mundo eh, nauubos na lahi nila eh. Puro bastos na lahi na kasi ang laganap ngayon sa mundo, at walang mga respeto. Kaya ako'y nananawagan sa mga gentleman diyan, "Please, turuan niyo naman yung ibang lalaki kung paano maging gentleman at kung paano rumespeto ng babae. Yun lang po, salamat. :D" Ang akin lang naman, sobrang naaapreciate ko yung mga taong ganun. Kasi kahit na maliit na bagay lang yun, sobrang napapasaya nila ako, nakakataba kasi ng puso eh. :D Random act of kindness kasi yun eh, yung feeling na nagdadalawang isip ka kung tutulong ka, pero di mo alam na natapos na yung bagay dahil sa tumulong ka. :) Yun lang, hahaha. Hindi na ako mapakali kaya pati yung mga ganitong bagay naibloblog ko. :) Pero sana na-appreciate niyo 'to. :)

Thanks for reading. :D

"We need to disconnect to be able to reconnect."

--Superman :)

No comments:

Post a Comment