Field trip namin kahapon. At ang saya-saya, kahit na sobrang pagod ako and I can't feel my arms and legs. Plus, nangitim pa ako. Hahahaha! :))
Before the day ng field trip, nagsleepover si Jerica dito sa bahay. Hindi ko rin akalaing papayagan siya ng mom ko. Sadyang epic lang talaga nun. Birthday pa man din ni Dad. Pero okay naman ang nangyari nun. Kaya ayos lang. :)
Sobrang ingay namin ni Jerica dito sa bahay. Kahit na maliit lang yung kuwarto ko eh aakalain mong parang stadium sa sobrang ingay. Hahahahaha. :)) Pero super enjoy naman yung sleepover niya, kasi masaya kami nung araw na yun. Daming rin napuntahan at napagusapan, kung saan-saan at kung sino-sino. One hour nga lang ang tulog namin, hindi dahil sa excitement, dahil ito sa sobrang kadaldalan. Naalala ko pa nun, tinatamad talaga ako mag prepare ng gamit for the field trip. Swear talaga, parang nagdadalawang isip pa ako kung sasama ba ako. Daming nangyari sa maikling panahon na yun. Ewan ko kung bakit, pero nasabi na ang lahat ng kailangan sabihin at nalaman na ang kailangan malaman. Hindi ko man ito maishare ngayon, pero someday promise, maisheshare ko din ito. Dito mismo sa aking blog.
2:30am kaming dalawa nagising. Super epic fail kasi ang usapan 1:30, odiba? 1 hour extension ang nangyari. Nakakatuwa lang isipin dahil nagmamadali kaming dalawa kahit na 2:30 pa lang. Nagluto pa kasi si Jerica ng sunog na lumpiang Shanghai(baon para sa field trip, at isheshare sa mga classmates.) Oo, sunog talaga, dahil nababaliw pa rin kami that time. :)) Pero masarap naman, kaya ayos lang. Ang dadalhin ko naman for the field trip, ay rice. Ang dami kong dinala dahil sabi ng classmates ko, pero alam kong di nila yun mauubos. By 3:20, nauna na ako maligo at pagkatapos ko, si Jerica naman. Di ko lang talaga akalain na 4am, nakaalis na kami. Hassle lang talaga sa dami nung dinala namin, plus ang bigat pa(kailangan ko talaga ng boyfriend nun, para magdala ng gamit ko, hahaha! joke lang, I'm happy being an individual.) By that time, ayoko ng mabuhay sa mundo(joke!) dahil sobrang bigat talaga ng dala namin, at taghirap kami sa energy dahil 1 hour lang ang tulog namin sa sobrang kadaldalan namin. Mga 4:30, andun na kami sa MCS. Ang buong akala namin, kami pa lang ang tao dun. Ayun pala, sobrang dami na, at may dumating pa raw at around 3am. Syempre, ang amin lang naman, di naman masyadong excited ang Carmelians sa field trip, kasi ang dami na talagang andun. Nagmamadali pa rin kami nung andun kami sa school, kasi kailangan pa bumili ni Jerica ng ice para dun sa cooler niya na paglalagyan nila ng drinks para sa field trip. Astig lang kasi nung nagaantay kami ng jeep, puro Trinoma yung plate cards na nakalagy dun sa jeep. Edi may ganun pala, nakakapanibago lang sa part ko(taga-bundok eh. XD) Sumakay kami dun sa jeep, at laking gulat ko dahil yung driver, tinanong kung may field trip kami. Odiba? Pati Driver stalker na rin. Hahahaha! Nung andun na kami sa 7eleven, nakita namin si osbert at kung sino-sino pa. Sa sobrang baliw ko, tinreat ko sila kumain ng ice cream, para lang may karamay ako.
To be continued...
No comments:
Post a Comment