4 things na gusto kong gawin sa aking blogspot:
1. Sa every post ko dito, kailangan may picture na kasama.
Syempre, kung ikaw ba naman yung reader, gusto mo bang puro words na lang ang nakikita mo? Syempre gusto mo rin makakita ng fun and excitement, at yun ay makikita mo sa isang picture.
2. I wanna go TAGLISH.
TAGLISH- pinaghalong Tagalog at English.
Hindi lahat ng tao, maiintindihan yang pinagsasabi mo. Alam mo naman, di sanay sa english. Gusto lang mga kalokohan na naka-translate sa Tagalog. At isa pang dahilan kaya gusto ko mag taglish ay dahil, hindi ako marunong mag-english. Inaamin kong poor ako sa grammar, kahit na I usually get the highest grade in English essays. Hindi ako perpekto, kaya pinangungunahan ko na kayo. :)
3. Gagawin ko 'tong Online diary.
I'll post everything and anything. Puro thoughts at mga nangyayari sa buhay ko. Gagawin ko 'to dahil gusto ko maglabas ng hinanakit. I'll share different things around here. Hindi ako natatakot sa kung ano man ang ilalagay ko dito. At saka 6 or 7 lang naman ang nakakaalam na may blogspot ako. Yung iba pa dun, nakalimutan na yung link ng blogspot ko. At kung ikaw, mababasa mo 'to. Please, back-off, dito na nga lang ako may freedom of speech eh. Huwag mo naman kunin sa akin yun, kasi blogging different scenarios and happenings in my life na lang ang nakakapagpasaya sa akin. Salamat kung maiintindihan mo ako. :)
4. I'll be more active.
Active in a way na palagi akong magpopost ng mga bagay-bagay dito. As possible, 1 post in a week ang minimum. Kung tagasubaybay ka sa aking blogspot, follow mo naman ako. Friendly naman ako eh, sadyang baliw lang talaga ako. Hahahaha. :)) Active din in a way na, I'll make sure na masaya at nakakabuhay ang mga blogs ko. Alis na tayo sa buhay emo at loner.
Sana maintindihan niyo ako. Hahahaha. Parang may kausap eh noh? Kung meron man, Hi sayo! *wave wave* Nakakaloka rin pala yung ganito, parang ewan lang. :)
![]() |
Feeler, I know. XD |
Lots of Love,
--Angela Domingo :)
No comments:
Post a Comment