Thursday, November 08, 2012

Go back

Ang sakit pa rin. Ano ba naman ito. Alam mo yung pinagsisisihan mo pa rin hanggang ngayon lahat-lahat. Pinagsisisihan ko pa rin na nakilala ko siya.

Pang ilan ko na ba ito? AYOKO NA. Seryoso. Pero minsan ang bipolar ko lang  na kahit sobra yung galit ko, binabawi ko lahat kasi hindi ko alam. Ang hirap. Habang tumatagal, mas lalo akong nagsisisi. Habang tumatagal, mas lalo kong ayaw siyang mawala. Lahat na ng tao inayawan siya, ako na lang hindi. Bakit kaya andito pa rin ako? Bakit kaya hindi pa rin mawala, ito mawala, lahat ng ito. LAHAT NG SIYA. Apektado talaga ako.

Ang hirap kasi. Lalo na yung natitiis kang hindi kausapin, yung tumatagal ng araw, hanggang sa maging linggo. Kakausapin ka lang kapag walang choice. Ang masakit pa ay, sumasaya na siya sa iba. Nakukuntento na siya sa kanya.

Naiisip ko din minsan ay kung masaya ba siya nung mga araw na ako pa yung nakakasama niya. Yung mga araw na ako pa yung sinasabi ko ngayong "sa kanya." Nakuntento din kaya siya na ako lang yung andun? Mas pinahalagahan din kaya niya ako kesa sa iba? Naramdaman din kaya niya yung naramdaman ko? Minahal niya kaya ako? Eto yun eh. Binigay mo lahat ng oras mo. Hinihingi mo lang naman ay pagiging kuntento niya na andiyan ka. Yun lang. Hindi ko naman hiningi na magbago siya. Dahil kahit maging ano pa man siya, ano pa man ang gawin niya, masama man o mabuti, kaya ko siyang matanggap ng buo. Yung akin lang, ginawa ko yun lahat. Naging asawa, girlfriend, nanay, tatay, kapatid, at bestfriend ako sa kanya, pero di niya yun nakita. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar sa buhay niya ngayon dahil hindi na niya ako pinipilit na lumugar dito.

Sana naman maipagmalaki mo ako, maipagmayabang. Sana naman maramdaman ko na takot kang mawala ako. Ang hirap eh. Parang wala akong halaga sayo. Araw-araw nasasaktan ako, madalas. Ang hapdi. Naiinis ako kasi wala ka man lang ginagawa para gamutin ako. Naramdaman ko na naman ang pagiging kulang ng dahil sayo. Mahirap na naman bumalik sa dati, yung buo at kumpleto ka pa. Mahirap kasi hindi ko alam kung paano ko gagawin yun ng mag-isa ko. Tinitiis ko na lang. Dahil lilipas din ito, mawawala din. At kapag yun nangyari, hindi na ito mauulit.


No comments:

Post a Comment