Nagsimula kasi yun nung naglalaro ako ng Tetris sa Facebook. Biglang may nag-invite sa akin ng Battle. Yung nag-invite ay schoolmate ko, incoming Senior na siya. Ayun, Habang naglalaro ang epic lang. Hindi ko naman kilala yung kalaro ko, ang alam ko lang talaga eh taga-MCS siya. Tapos nagtype siya bigla sa chatbox ng tetris. Nagulat lang ako. Edi naki-FC na lang ako para freindly ang dating.
Pagkatapos ng araw na yun..
Nagugulat na lang ako dahil tuwing nagoonline ako, chinachat niya ako para maglaban daw kami sa tetris. Eh ngayong gabi, tinamad na ako. Eh kasi naman, lagi akong nagra-rank down. Sarap lang ihagis ng keyboard. Ayun nga, dahil tinamad ako, nagchat na lang kami. Mahaba-habang chat din yun. Hanggang sa napag-usapan namin na mag "Draw My Thing" kami sa Facebook.
Ang slow ko lang masyado. Hirap ako manghula ng drawing eh. Pero nagulat ako nung ganito na yung dinodrawing niya.
Ehem. Hahahaha. :D
Napag-usapan na nga ang tungkol diyan. POSITIVE. May crush nga daw siya sa akin. Kalokohan. Hahaha. Imba eh noh? Ohwell. Ganyan talagaaa. Kayo na bahala magjudge sa kung ano nakikita niyo. ;)
May sinend siya sa aking link bago mag goodnight.
![]() |
Eto yung link. XD |
Okay. Ambisyosa na naman ako. Hayaan niyo na. Minsan lang naman eh. ;)
No comments:
Post a Comment