Wednesday, March 07, 2012

Last day of exams.

  Finally, last day of exams. Wala nang aaralin, wala nang pagpupuyatan, wala nang aalalahanin. Pero kahit na ganun, mamimiss ko 'to. Kasi naman, last na, I mean, last na sa buong high school, at last na sa Mater Carmeli School. After this, graduate na ako at hindi ko na alam kung saang landas ako tutungo. Walang kasiguraduhan ang buhay ko ngayon. Puro ifs at buts.

Moving on......
  Last day na ngayon, daming nangyari, sobra. Puro unexpected na kabiguan. Pero wala akong sisisihin kasi ganun talaga ang buhay, minsan nasa taas, minsan rin nasa baba. Medyo madrama man ang sinasabi ko, pero pawang katotohanan naman.

1. Socks

  Actually, 3 hours lang ang tulog ko, di ko alam kung paano ko babawiin, no time. Kaninang umaga, wala akong makitang medyas. Dalawang pares lang kasi ang meron ako. It may sound like a joke, pero hindi. Yung isa pang pares nawawala, eh yung isa lalabhan pa lang. Edi sinabihan ko yung nanay ko tungkol sa medyas, sinigawan lang ako, tapos sinisi pa ako dahil lang sa medyas na yan. Ako pa ang may kasalanan kasi wala akong medyas, eh siya nga itong nagagalit kapag gusto ko magpabili eh. Minsan kasi, dapat nakikinig din.

2.Jeepney

  Kanina, nagmamadali na ako makasakay, kasi mga 6:35 na nung umalis ako ng bahay, eh mahirap pa naman sumakay. Kaya sa sobrang pagmamadali ko, sumakay ako sa isang jeep na mukhang ewan. Dalawa lang kaming pasahero sa jeep, elementary pa na taga-MCS yung kasabay ko. Kasi ang normal na biyahe ay mga 15 mins. Pero etong jeep na 'to, 5 mins. lang ang biyahe ko. Grabe, parang nangangarera sa kalsada eh. Sobrang bilis talaga, na yung buhok ko natuyo na kasi nililipad ng hangin. Buti na lang di ako late. :)

3. Exam Schedule

  Ang balak ko sana, sa break namin ako mag-aaral sa ekonomiks, kasi wala talaga akong naaral dahil ako'y nakatulog. :D Kaya ayun, pagkadating ko aral agad ako sa V.E. Tapos sinabihan ako ng seatmate ko na ekonomiks ang una. Kainis lang, di pa ako prepared. Sobrang hindi pa. Ayun, Shotgun method. Namroblema pa ako sa Taxation table na yan, meron naman pa lang ibibigay, kainis lang talaga.

5.Values Education Exam

  Ang hirap. Swear. Akala mo kung sinong major subject eh, mas nahirapan pa yata ako sa VE kesa sa Physics. Grabehan talaga, eto si Sr. Thea, gusto talaga na lahat kami ay magremmoval exam eh. Epic niya lang, may kadugo talaga eh. Basta ayun, ang hirap, kahit anung hula, mali pa rin.

6.Dismissal

  Maaga nga ang uwian, wala naman akong kasama umuwi. No gala for today, walang kasama eh. Iniwanan nila ako. Yung dalawa kong bestfriend DAW, hindi man lang nagpaalam sa akin. Nakita ko na lang umalis agad, kainis lang. Ayun super loner today. Ang aga ko pa umuwi. Mood Swings </3


Pero kahit na epic ang araw ko today, I'm so blessed and thankful kay Lord dahil hindi niya ako pinabayaan. :)



Ang masasabi ko lang, bakasyon na, practice na lang, graduate at mag-enroll kung pwede sa UST.(Hopefully, sana pwede.)


 

No comments:

Post a Comment