Sunday, March 11, 2012

COCC Training

 Epic day na naman. Alam na kung sino ang magtetraining. Syempre, kaming officers na naman. :)) Yun yung nakakaasar eh. Tapos na kami sa mga ganyan, pero bakit kami pa rin ang pinahihirapan? Samantalang nung kami yung mga COCC applicants, yung mga officers namin petiks, kaming mga COs yung naghihirap.

Epic kasi..

1. Late na ako nagising.

 5:30 am na ako nagising. Kamusta naman? Kailangan nasa school na before 7:00am. Eh nagpromise ako kay deanna na tuturuan ko siya magtali ng buhok kaya dapat 6 pa lang nasa school na ako. Epic talaga, ayun, kaya di ko natupad promise ko. Atsaka, late na rin kasi ako natulog kaya ganun.

2.7eleven

  Pumunta pa ako sa 7eleven bago pumasok. Kaya super late na aketch. Bumili kasi ang ng dalawang hairnet, yung isa para kay deanna. :) Bumili rin ako ng nail cutter, kasi mahaba na yung nails ko at para rin sa mga buddies ko na hindipa naggugupit ng nails nila. Para kapag may inspection, ready kami. :)

3. Marching.

  Umagang-umaga, kami agad yung inechos ni Sir Mallari. Pinag-martsa agad kami, hanggang sa kami ay mapagod. 30mins rin yun, nonstop. Shetness lang, kami talaga yung ginagawang applicants eh.

4. Jogging

  Kasama kami sa Morning glory ng mga COs na yan, kakatapos lang mag marching, jogging agad. Hindi man lang kami pinagpahinga, duga. Kainis lang, tapos na kami sa mga ganun, pinapabalik na naman kami. Kakapal pa ng mukha ng ibang COs. Ay nakow. Ayun. Pero daming naclinic dahil diyan. :)

5. Jumping jacks, squatrass, squat, pumpings.

  Suko na sila. Hahahaha. Yung iba kasi nagmamaang-maangan pang kaya. Hindi naman, kainis lang. Mas mapapadali kaya buhay kung magququit. Nahihirapan lang mga buddies nila eh, pati kasi sila nadadamay. Ayun, puro kaewanan lang.

5. Clinic

  Daming naclinic. Grabeh. Eh samantalang kami dati, di uso ang clinic, kapag naclinic ka, quit ka na. Ganun lang yun eh. Kainis lang. Ako nga, kahit na nilalagnat at nag morning glory ako, di pa rin uso sa akin yung clinic kahit sabihin nilang namumutla ako.

6. Extra Shirt

  Grabeh sa kanila, uso magpalit ng damit. Kami nga dati, amoy kalaban until the end of the day.

7.CAT shirt

 Hindi yan yung CAT shirt(para may picture lang.) Naiwan ko, kainis, ako lang yung hindi naka black shirt sa amin, kaya ayun. Binalikan ko talaga sa bahay namin. Ayun, atleast medyo hindi halata na bumalik pa ako ng bahay. :)

8.Palabok

  Nagrecess kami for 20 minutes.Wala lang, masaya. Masarap kumain ng palabok.:) Dami ding food dahil sa buddies kong mababait. :)


9. New designation
  Designation
  Iba na designation ko ngayon. Second Infantry Batallion Alpha Commander. Tumaas siya at humaba kesa dun sa dati kong designation. trolololol. Ako ang inaasahang gagawa ng lahat, dahil yung mas higher sa akin ang mag-uutos ng kung ano gagawin ko. Pero parang ako na yung pinaka may control kapag wala yung mga staff. Chos lang. Hahahahaha :">

10. Sword

  Literal na CAT sword yung nasa picture, natuwa lang ako. Hahaha. Pero ayun, imba eh, ang hirap paikutin. Lilipad kasi kapag, hindi napaikot ng maayos.

11. COCC Colors



  Yan yung mga buddies ko. :) Kahit na poker face sila, matitikas yan at proud ako sa kanila. Sobrang lamya kasi ng mga napiling colors ngayon, wala kang makikitang matikas. Eh sa amin, kahit nung first day pa lang, makikita mo na yang mga yan na matitikas. Samantalang yung ngayon, grabe, ipagtatanggol pa ni Sir Mallari dahil daw unang araw pa lang. Hindi naman ganun yun eh, sobrang epal lang talaga. Kaya nga naiinis si Curio nung tine-train sila eh, ang lamya kasi. Sobraa.

12. Rifles

  Bwisit 'tong mga rifle na 'to. Nang dahil diyan, pinagalitan kami ni Sr. Emy. Nakakagulat lang kasi, si Sr. Emy pinarusahan kami, eh madre yun. Pina-squat kami ng 30 seconds(pero 1 min bilang ko.) na super heels raise. Tapos tuluy-tuloy na pumpings.

13. Carbonara

  Kahit na pinarusahan kaming lahat, may pakain pa rin si Sr. Emy. Ang saya-saya. Hahahaha! Ang takaw talaga namin eh, kahit kelan patay gutom kami.

14. Picture picture din.
  Kasama namin yung mga napiling colors na CO. Hahahaha. Kalandian lang namin. :)



  Natuwa ako masyado sa mga picture ni Gritz. Yung sa unang picture, ang cute ni Deona. Sa pangalawa, wagas ang tawa ni Lance. :)
Yung totoo lance, bakit ganyan itsura mo? Hahahha! Peace tayo. :)


Wednesday, March 07, 2012

Last Duty.

  As usual, wala pa ring kwenta. Ayoko ng ikwento, maiirita lang ako eh. Pero ayun, may mga COs kaming kasama. :)) Yun lang. :D

  NAT lang all day. Katamad, Shotgun method din. :)) Tapos, laking gulat ko dahil perfect ako sa unit test sa Math. First time in the world history of my being. Nakakatuwa lang, di ko akalaing tama yung mga hula ko. :D Nakakatuwa din yung picture, naka-tune kami ni Pam. :) After class, photoshoot with Sr.Emy, ang vain lang ng mga officers. \m/

Mae mae. :)

  Ang babaeng matangkad at baliw na baliw kay *toot* :)) Proud daw siya to be kayumanggi, wala lang astig nakakatuwa. :D

  Buti pa ako cute. LOLJK. :)) Hahahahaha. :)) Ayan, isa lang inapload niya, natakot baka i-spam ko eh. Joke laaaang. Pero ayun, puro kalokohan lang yata ginawa namin nung araw na yan. Nakalimutan ko na kung anung araw yun eh. Hahahaha! :) Ang naaalala ko lang eh sumisigaw kami habang tumatawid sa may Lagro. Ayun, party hard. :D  Yege.  Andito siya eh. ♥

Man's bestfriend.


  Ang cute talaga ng mga aso eh. No wonder, isa sa mga gusto ko maging pag tanda ko ay maging isang veterinarian. Wala lang, namatay kasi si Belle ngayon eh, yung aso ni Deanna. Kahit na gaano daw siya natatakot dun sa dog nila, labs pa rin daw niya yun. Ganun talaga kahiwaga ang mga aura ng aso, malapit sila sa mga puso ng mga tao. :)

Kamukha ayon kay tart.

ALLISON HARVARD
   Ganda niya. Katibo lang. :)) Sobrang big ng eyes niya eh. O.O Pero ang ganda niya pa rin. :D

  Ayun nga, etong si tart, panay ang sabi na kamukha ko si allison dahil ang laki daw ng eyes ko.(I'm flatteredXD) Gawin lang daw akong blonde tapos lagyan ng make up. Ayun, di pa rin ako naniniwala, bolero yan si tart eh. Hilig magjoke. :)) This time, alam kong joke yun kasi ang layo ng itsura namin ni allison. Ang ganda kaya niya, samantalang ako secret. :))

Liquid Eyeliner.

 

 Liquid na ngayon. Sosyal. Dati, stick lang nilalagay ko eh, sa eye water line pa. Ngayon, iba na, liquid na, kaso sa itaas eyelid naman. HAHAHAHA! :)) I got bored kaya tinry ko. TRY lang naman eh. :))


Okay. I look like an idiot. Baliw lang. :D Buti di naman ganun ka epic fail, medyo mukhang professional kahit papaano. LOLJK. :)) Pero ayun, first time ko yan.



Last day of exams.

  Finally, last day of exams. Wala nang aaralin, wala nang pagpupuyatan, wala nang aalalahanin. Pero kahit na ganun, mamimiss ko 'to. Kasi naman, last na, I mean, last na sa buong high school, at last na sa Mater Carmeli School. After this, graduate na ako at hindi ko na alam kung saang landas ako tutungo. Walang kasiguraduhan ang buhay ko ngayon. Puro ifs at buts.

Moving on......
  Last day na ngayon, daming nangyari, sobra. Puro unexpected na kabiguan. Pero wala akong sisisihin kasi ganun talaga ang buhay, minsan nasa taas, minsan rin nasa baba. Medyo madrama man ang sinasabi ko, pero pawang katotohanan naman.

1. Socks

  Actually, 3 hours lang ang tulog ko, di ko alam kung paano ko babawiin, no time. Kaninang umaga, wala akong makitang medyas. Dalawang pares lang kasi ang meron ako. It may sound like a joke, pero hindi. Yung isa pang pares nawawala, eh yung isa lalabhan pa lang. Edi sinabihan ko yung nanay ko tungkol sa medyas, sinigawan lang ako, tapos sinisi pa ako dahil lang sa medyas na yan. Ako pa ang may kasalanan kasi wala akong medyas, eh siya nga itong nagagalit kapag gusto ko magpabili eh. Minsan kasi, dapat nakikinig din.

2.Jeepney

  Kanina, nagmamadali na ako makasakay, kasi mga 6:35 na nung umalis ako ng bahay, eh mahirap pa naman sumakay. Kaya sa sobrang pagmamadali ko, sumakay ako sa isang jeep na mukhang ewan. Dalawa lang kaming pasahero sa jeep, elementary pa na taga-MCS yung kasabay ko. Kasi ang normal na biyahe ay mga 15 mins. Pero etong jeep na 'to, 5 mins. lang ang biyahe ko. Grabe, parang nangangarera sa kalsada eh. Sobrang bilis talaga, na yung buhok ko natuyo na kasi nililipad ng hangin. Buti na lang di ako late. :)

3. Exam Schedule

  Ang balak ko sana, sa break namin ako mag-aaral sa ekonomiks, kasi wala talaga akong naaral dahil ako'y nakatulog. :D Kaya ayun, pagkadating ko aral agad ako sa V.E. Tapos sinabihan ako ng seatmate ko na ekonomiks ang una. Kainis lang, di pa ako prepared. Sobrang hindi pa. Ayun, Shotgun method. Namroblema pa ako sa Taxation table na yan, meron naman pa lang ibibigay, kainis lang talaga.

5.Values Education Exam

  Ang hirap. Swear. Akala mo kung sinong major subject eh, mas nahirapan pa yata ako sa VE kesa sa Physics. Grabehan talaga, eto si Sr. Thea, gusto talaga na lahat kami ay magremmoval exam eh. Epic niya lang, may kadugo talaga eh. Basta ayun, ang hirap, kahit anung hula, mali pa rin.

6.Dismissal

  Maaga nga ang uwian, wala naman akong kasama umuwi. No gala for today, walang kasama eh. Iniwanan nila ako. Yung dalawa kong bestfriend DAW, hindi man lang nagpaalam sa akin. Nakita ko na lang umalis agad, kainis lang. Ayun super loner today. Ang aga ko pa umuwi. Mood Swings </3


Pero kahit na epic ang araw ko today, I'm so blessed and thankful kay Lord dahil hindi niya ako pinabayaan. :)



Ang masasabi ko lang, bakasyon na, practice na lang, graduate at mag-enroll kung pwede sa UST.(Hopefully, sana pwede.)


 

Sunday, March 04, 2012

Hmmm.



 Puyaters na naman ako. :)) Eh hindi naman ako nag-aaral, fb lang all day. Hahahaha! Pero yung study habits ko yung inaalala ko. Trolololol. Hindi ko inakalang lalabas yun sa isipan ko. XD Pers taym. :D Pero ayun, alam na bukas, tutulugan ko lang ang pag-aaral at matutulog. Pero I'll try pa rin mag-aral as possible. :) Last na eh. Pagkatapos neto, party all-day-long. :)))))

Saturday, March 03, 2012

Cramming

  

Wala pa rin akong binabasang lesson kahit isa. Wooohooo. GG sa Monday. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula. At di ko rin alam kung mememorizin ko or basa lang, kasi naman di ko alam yung type of test na ibibigay ng mga guro ko.

  Exams on Monday:

  • MAPEH and CAT
                  Ang dami masyado. Paepal pa yang Music. Bwisit, feeling major subject. Hahahaha! Pero kasi, ang dami masyado. Di keri ng utak ko.


  • English
                 Kamusta naman ang grammar lessons, selections at Greek Mythology. Haaay. Ang dami,nung mga kwento, aalalahanin ko pa isa-isa. Syemays. Tapos di pa ako nagsisimula. Kamusta buhay natin neto.


  • Mathematics
                 My favorite subject. LOLJK. :)) Asa naman noh. Okay lang yung basics eh. Pero kapag X and Y na ang pinaguusapan at mga problem solving, ibang usapan na yan.:)) GG ako. Wala na, judgement day na sa monday. ako lang magtuturo sa sarili ko magbilang at magsolve. Hahahahaha!:))

  Cramming na lang ang initiave ko at hope ko. Eyebags ko,abot lupa na naman. Grabeh. Last na 'to, kaya pagbutihin na. Next exam ko, college na ako nun. Kaya onting tiyaga na lang, graduate na ako. :)) Pero sleepless nights na naman ang gabi ko. Pero ayos lang, basta may ma-aral. :))