Monday, January 16, 2012
Monday
As usual, eto na naman ako, laging tinatamad. Lalo na kapag Monday. Sobra eh, yun nga, sabi ko na ayaw ko nang pumasok, pero kailangan eh. Hahahaha :)) Pero yung Monday ko ngayon, masaya. Exciting siya na ewan, parang may something na nakapagpasaya sa akin ngayon. Siguro yun ay, natutunan na rin magparamdam ng mundo sa akin. I sound so emo, pero ganun talaga. Parang natutunan ko na maging masaya. Kaninang umaga, kahit na hindi ako nag-aral sa Math, parang ayos lang naman yung naging Unit Test namin. I'm not expecting a high grade in our test but atleast, I'm satisfied on what I'll be getting. Happy Thoughts lang ako kanina eh, onting daldalan, kulitan, at kung anu-ano pa. Kahit ganun ka simple yung mga ginagawa ko kasi usual naman talaga yun, sobrang sumaya ako, ewan ko ba. Tapos nung, uwian, wala lang, masaya ulit. Walang tigil sa kakatawa. :)) Ayun, kung anu-ano rin ginawa namin, kung kani-kaninong bahay nakigulo. Basta, all I can say is, I had fun and I wanna do it again, kasi ngayon ko lang napatunayan na sobrang masaya pala mabuhay. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment