Thursday, December 08, 2011

Just sayin'

  Fuuuck. I super hate my life. Ayoko na ngang magcomplain eh. Kaso sobra na, hindi na talaga carry. I know this sound so stupid, I don't really care. Wala na ngang interesting sa buhay ko eh. Puro lokohan na lang ang nangyayari. Alam mo yung feeling na gusto mo ng matapos ang lahat-lahat? Pero hindi ko yun gagawin, I know God has a purpose why I'm still living. Alam kong kaya ko naman, kaso bakit sabay-sabay? Magpapasko na oh? Gusto ko ng maramdaman yung happiness na winiwish ko everyday. Kahit one day lang, please? Hindi ko nga feel yung Christmas eh, mas feel ko pa yung November 1. Kahit na nakalipas na yung November, parang naggugunita pa rin ako ng pagluluksa. I don't know, ginagawa ko naman yung best ko to find true happiness. I guess my best wasn't enough. Kailangan pa siguro ng onting tulak at pagpupursigi. I don't blame anyone naman eh, pero wish ko lang maging masaya. Bagsak lahat eh, School life - 5%, Love life- 1.5%, Social life - 7%, Family- .89% San ka pa? Di man lang umabot ng 10%, akala ko okay na ang lahat, akala ko nagbago na yung parents ko, di pa pala. One week lang pala yun, mga plastik eh. Nakakaasar lang. Back to "less than normal life." Tinatawanan ko na  nga lang eh. Puro woes na lang ang nasasabi ko whenever I talk to myself. Ayoko namang sabihin sa iba kasi iisipin lang nila na ang selfish ko. Puro pag-uunderstand na lang ginagawa ko eh, pwede bang ako naman i-understand niyo?

  December, paramdam ka naman, pwede? Because I want to be happy and positive this coming Christmas.

No comments:

Post a Comment