Wala naman talaga surprises nung araw na ito. Pero ang na-feel ko sobrag dami. Akala ko Epic day na naman eh, hindi naman pala. Sobrang masaya at enjoy this day. Friday nitong araw na 'to at ang epic ng suot namin. CAT shirt tapos MCS PE jogging pants. Eh yung CAT shirt ko pa naman abot tuhod, kaya ayun, di ko alam kung paano ko susuotin yung shirt ko, di naman pwede mag tuck-in kasi ang epic ng itsura. Ayun, repeat performance nang batch namin, yung sa CHAMPION na sayaw namin yung sinulog. Hahahaha. Sobrang hassle sa pagpalit ng damit, dami kasing checheburache na ilalagay. Tapos kailangan pang nakapaa, eh umuulan pa naman nun so putikan ang mga paa namin.Pagbalik sa classroom, parang napansin ko nasasakal na ako sa shirt na suot ko, eh dati naman hindi, ang luwag pa nga nun eh. Eh di react na ako ng react na nasasakal na ako, tapos biglang nakita ni pam yung tag sa shirt ko. Epic fail talaga ako, baliktad kasi yung pagkakasuot ko. Hahahaha! Bumaba na kami para sa repeat performance, umaambon pero ayos lang, gora lang. Hahahaha. Ayun yun eh. After the performance, sinabihan na naman kaming magaling. Hahahha.(Parang nakalunok nanaman ako ng electric fan. LOLJK XD) Pinatawag ni T.Rose lahat ng Seniors, ang epic lang kasi, pagkatapos namin maghintay ng matagal, di rin naman kami kakausapin at papabalikin lang kami sa classrooms. Ayun, resume lang ang class, pero ang lamig talaga eh, sarap matulog. hahahaha!

Nung Physics class na namin, di ko inaasahan and super unexpected talaga eh. SUSPENDED daw ang klase. Wohooo! Party party na naman. Hahahaha! Pero before kami ma-dismiss, kinanta muna namin yung epic na jingle sa Physics, ayos naman hahahaha! :) Binigyan ako ni Shyne ng isang "Paper Rose", natuwa lang ako. Hahaha. Wala lang, babaw ko kasi eh. Alam niyo naman ako, di naman ako nakakatanggap ng mga ganun, so natuwa ako. Nung na-dismiss na kami, nag bonding kami ni Jerica. Hahaha. Ayun, puro kain lang ginawa namin, sa Jollibee Lagro, 7eleven, Janet's, at bumili pa kami ng food sa Mercury Drug Store. Sobrang nabusog kami, hanggang sa napadpad kami sa bahay nila.

Nagkwentuhan, naglaro,at kumain ang ginawa namin dun. Ang lakas pa ng trip ni Jerica nun, hinack niya yung FB ko. hahaha! baliw talaga kahit kailan. Kung anu-ano yung pinaglalagay niya at kung sinu-sino kinakausap niya. Hahaha! Pero ayos lang, baliw naman kasi talaga yun eh. Tapos, nakaramdam kami ng gutom, kaya ayun, nagluto kami ng chocolate pancake, kaso ang epic ng kinalabasan. Hahaha. Wala kasing may alam kung paano magluto. After that, umuwi na ako. Masaya kahit na parang average at normal day ang yun.
No comments:
Post a Comment