May misa na ginanap, eh mag ooffer nga ako ng flowers diba? Ayun, sinabihan ko na lang si Clifford na i-offer yun. Di ko kasi alam kung paano ibibigay yun.(Thanks Cliffy! :D) Before pala magmisa, May attendance sheet dun na i-fifill-up, tinanong ako kung sino kasama ko, wala lang, parang na-offend ako dun, pero di naman dapat. Sakit lang sa feeling, ewan ko ba, ako lang kasi mag-isa eh. Ayun, sabi ko ako lang at wala akong kasama. Buti na lang andun si Jannica, di niya ako iniwan nung Family Day, natuwa din ako sa pinsan niyang bading. Hahaha! Wala lang, astig eh. :D Nanira lang kami ng parol eh. Ang kulit kasi nung pinsan ni jannica, ang hilig manira ng mga parol sa school. Tapos, nagsulat din kami dun sa Wish List ng Third Year Compassionate, iniwan kasi nilang bukas yung room nila eh. Kasalanan na nila yun. Hahahaha! :))) Nung napagod kami, pumunta na kami sa Covered Court, umupo kami. At biglang nag-aya yung Simpol mag picture-picture.
May hawak pa akong cotton candy. Hahahaha! Yun laang. :))) Ayun, after mag picture-picture, back to normal, sa tabi-tabi lang tumambay. Hanggang sa nakita ko si Ate Mishaelle, oo siya. :D Yung ano ni kambal, yung ano, basta. Haha! Ayun nag-chikahan kami, at di ko akalain na nagrereview siya. Talino eh, yun pa, nakakaelibs lang. Andun din yung makulit niyang kapatid na lalaki. Maya-maya, nagraffle, tapos biglang nabunot si Denny. Hahaha! hiningi ko yung prize niya sa raffle(sama ko talaga.) Ayun, tig-iisa kami ni ate mishaelle at shyne. Epic ko talaga, di ako nagdala ng plate at utensils para sa kainan. Kaya ayun, share kami ni shyne sa plate niya, nahihiya nga ako sa kanila nung kumkain kahit mukhang ang kapal ng mukha ko kasi nagawa ko yun. Ayun, busog. Hahahahaha! Biglang umulan ng malakas, eh di ko pa naman hilig magdala ng payong, ayun GG tuloy sa ulan.
Hinanap ko si Jerica, nung hinanap ko siya, bigla ba naman akong sinabihan na may iba siyang lakad, nakakaasar lang. Minsan naisip kong di ako best friend nun, mas inuuna pa kasi niya yung iba kesa sa amin ni fumes. Grabe talaga. Pero ayun, ayos lang, buti na lang binigyan ako ni Markov ng isang rose. Hahaha. Pero kahit na binigyan niya ako, parang na-offend ako. Ewan ko ba. Eh kasi naman, di naman talaga ako yung pagbibigyan nun, eh hindi nabigay, kaya sa akin na lang binigay. Ayun, di ako makauwi kasi ang lakas ng ulan, Pero tumigil naman, kaya nakapagSM ako. Pero I'm on my own lang, wala akong kasama as usual. Self-pity lang ang nararamdaman ko eh. Pero ayos lang, sanay na eh. Nakita ko sila Lyka at Rohaness sa SM, kaya naman nagsine kami yung mura lang, yung tig 25 pesos. Ayun, after that, umuwi na rin kami. Super lonely talaga, nafeel ko na naman yung ganitong feeling, nakakaasar lang, buti na lang sanay na ako. Hahaha! Pero nabored talaga ako nung nasa bahay na eh. Kaya nagpicture-picture na lang ako. Ayun, epic face pa rin forever.
Natuwa lang ako sa T-shirt ng Simpol. Wala lang. :)
No comments:
Post a Comment