May sakit ako ngayon... Buti pa ate ko nababanggit niya, pero yung pinakainaasahan kong magaalala sa akin binabalewala ako. Di niya man alam pero sentro na siya lagi ng usapan. Di ko alam kung saan pupuwesto. Kahit siguro sabihin ko man na hindi ko na kaya gumalaw, magbabanggit siya na mas nakakaramdam siya, mas andun siya sa kalagayan na yun kesa sa akin at babalewalain na lamang ako. Nakakalungkot man isipin na yung sobrang inaalagaan mong tao, hindi magawa yung parehong bagay sayo. Ang hirap magkasakit, ang hirap magdamdam, at sng hirap masaktan kung wala man siyang pakialam sa nararamdaman mo.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag mahal mo possible ang lahat. Sana nga makayanan ko ito. Ako man ay inaapoy na sa lagnat, pinipiga na ang ulo sa sobrang sakit, kumakahol na ng parang aso, sumisinghot ng paulit ulit, at nasasaktan na ng lubusan, andito pa din ako lumalaban.
PS: huwag na huwag magrerecycle ng mga natapon na. Dahil una pa lang, kaya mo tinapon yun, kasi basura na yun. Kung ano ang basura, basura pa din yun.