Wednesday, January 28, 2015

Ang labo ko

Sobrang hirap magtago ng emosyon. Lalo na kung yung pinagtataguan mo, katabi mo lang. Nakakaiyak, pero alam ko tatawanan ko din ito balang araw. 

Nahihirapan ako kasi di ako makapagsalita. Parang may pumipigil sakin. Nagsasabing "Angela, tama na. Sobra ka na." Pero teka, sobra na nga ba o kulang pa? Saan ba ako nagkulang? Sa panguunawa o sa pagkakaroon ng hustisya? Parang sobrang bait ko na. Lagi na lang ba may mali sa araw araw? Nahihirapan na ako magtiwala. Parang lahat na lang sila, hinuhusgahan na ako. Ang hirap magkamali, laging yun at yun lang ang maaalala sayo ng mga tao. Mahirap magpakatotoo, walang maniniwala sayo. 

May karapatan naman ako. Pero di naman sa lahat ng oras eh, magagamit mo yang karapatan na yan. Kahit na sabihin mong lagi lang yan andiyan, may mga panahon o madalas e nawawala din yan. Nawawalan ng bisa. Kasi ang karapatan, ginawa yan para ipaalala sa atin na may kaya tayong gawin dahil madalas, nawawala tayo sa tamang ikot ng buhay. Mahirap makisabay, mahirap lumaban. Kahit na sonrang galing mong umunawa, kung yan na lang ang kaya mong gawin, nawawala na din ang saysay ng pagkatao mo.