Saturday, December 08, 2012

Gusto kong umiyak. Paiba-iba. Gusto kong maging masaya, pero pinili ko pa rin maging malungkot. Mahirap.

Mahirap, lalo na kapag lagi mong binabalik-balikan yung dating kayo. Mahirap, lalo na kapag kinakausap ka pa rin niya. Mahirap, lalo na kapag may nararamdaman ka pa.

Hindi ko masimulan lahat ng mga homework ko dahil sa kanya. Lahat nauudlot. Sobrang desperado ko man ngayon pero talagang madalas kong pinagdadasal na sana bumalik yung dating kami. Ngayon, parang kaya ko ipagpalit lahat ng oras ko para lang makasama siya. Lagi akong nag-iisip ng mga bagay-bagay na sana mangyari man by chance.

Yung bang sana magkasabay kami sa elevator, tapos pipilitin niya ako na mag stay sa room niya. Yung makikita niya ako sa hallway, tapos sasamahan at ihahatid niya ako sa room. Yung sana one time makasalubong niya ako, tapos itatanong niya kung may kasama na ako sa paskuhan tapos aayain niya ako. Yung bang tatawag siya kapag mag-isa lang ako sa room. Yung isasama niya ako sa lahat ng pupuntahan niya. Yung bang hindi niya ako babalewalain kapag may kasama siyang iba. Yung bang ibibigay niya lahat ng oras niya sa akin.

Ang sakit eh. Ang hirap. Ang hapdi. Ayoko yung nararamdaman ko. Naiinggit ako sa mga friends ko, buti pa sila kasama nila yung mga taong mahal nila. Sana ako din. Sana ako din minamahal niya.